Chapter 34

112 9 2
                                    

“Love,” tawag ko kay Karina. Nandito ako ngayon sa kusina namin, habang siya naman ay nasa sala.

“Baby,” tawag ko ulit pero parang hindi niya yata ako naririnig. Kanina pa siya nakatutok sa phone niya, na para bang may ka-text siya.

Natapos na pala ang class namin this semester. Mas nagagandahan ako ngayon, kasi palagi na kaming magkasama ni Karina. Ganun din naman noon, pero iba pa rin ngayon. Ang hindi ko lang inaasahan ay palagi siyang busy sa phone niya.

Ewan ko ba.

Successful pala ang performance ko last day. Hindi ako makapaniwala kasi, ilang oras lang ‘yung pag pa-practice ko ng guitar. Buti naman talaga at hindi ako nagkamali. Sobrang daming nanood, tapos pumunta rin sina Mama at Mommy pero panandalian lang kasi may work pa sila.

Pagkatapos kong magluto ay pumunta akong sala, naka-on ang TV tapos medyo may kalakasan din ang volume, kaya siguro hindi niya ako narinig o sadyang mas naka focus lang siya sa kanyang pag pho-phone?

“Karina,” tawag ko sa kanya. Umangat naman ang tingin niya at agad niya akong tinaasan ng kilay.

Oh, kita niyo.

“Baby, kanina pa kita tinatawag.” sabi ko sa kanya, at agad niya namang binitawan ang phone at tumayo na ito.

“I’m sorry,” yan ang narinig ko mula sa kanya.

“Kumain na tayo, nagugutom na ako.” sabi ko at nauna na akong maglakad papunta sa dining area namin. Konti lang ang niluto ko, sakto lang para sa aming dalawa.

Hindi naman maarte si Karina sa pagkain. Kung ano ang niluto mo, o nilapag mo, kakainin niya pa rin naman.

Kumuha ako ng plato at inilapag malapit kay Karina. Kumuha rin ako ng kutsara at tinidor para sa kanya. Pagkatapos niyan ay pinag-serve ko siya ng kanin pati na rin ulam.

“I love you,” aniya sa akin, kaya napangiti ako ng wala sa oras.

“I love you more, and you’re always welcome.” sabi ko sabay upo na rin at nagsimula ng kumain.

“How’s your friend pala?” tanong ni Karina sa akin.

Hindi ko alam. Ilang araw na kasing hindi nagpaparamdam sa akin si Ningning, ganon din si Giselle.

“Hindi ko alam, love. Ni-message ko naman si Ningning, pero hindi niya ako nireplyan.” sabi ko at nagpatuloy sa aking pag kain.

“Let’s visit her later?” tumango-tango ako bilang sagot.

Napahinto ako sa pag kain nang tumunog ang phone ni Karina. Suminyas siya na sasagutin niya muna, kaya naman ay tumango lang ako.

Naiwan akong kumain dito sa dining namin. Natatanaw ko naman si Karina na magkasalubong ang mga kilay niya. Galit na galit ang girlfriend ko, ah.

Ilang sandali ay bumalik na agad si Karina. Parang buhat na buhat niya ang langit at lupa.

“Anyari?” tanong ko sa aking girlfriend nang makaupo na ulit siya.

“Nothing,” aniya at inikutan pa ako ng mata.

Bakit sa akin siya naiinis?

Gustuhin ko man siyang tanungin ay nanahimik lang ako. Wala naman akong ginawang masama sa kanya.

Nang matapos akong kumain ay tumayo na agad ako. Nilagay ko sa kitchen sink ang platong nagamit. Kumuha na rin ako ng bottled water sa refrigerator at umalis na rin sa dining area.

Pumasok muna ako sa aking kwarto at kumuha ako ng masusuot kong damit. Nang makakuha ay pumasok na rin ako sa banyo at naligo na rin. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at agad na rin akong lumabas ng kwarto ko.

Always Yoo | winrina Where stories live. Discover now