Chapter 17

161 8 0
                                    

Dalawang araw na pala akong hindi pinapansin ni Karina. Hindi ko alam kung ano ‘yung problema niya. Lagi ko siyang ni-memessage pero hindi niya ako nirereplyan. Ayoko namang tawagan siya, kasi nahihiya ako. Tsaka, wala naman akong ginawa sa kanya !!

Oo, aminado akong mali ‘yung tanong ko sa kanya na “Kailan pa?” pero naninigurado lang naman ako ‘no.

Paano kung gawa-gawa niya lang ‘yon? Kung sa makikita ko ngayon, parang hindi talaga ‘yon totoo kasi hindi niya ako pinapansin.

Don’t tell me na nahihiya siya sa ‘kin??? E ‘di ba dapat ako ‘yung mahiya sa kanya?

Sabagay, makapal naman mukha ko.

Anway, dalawang araw niya na talaga akong ini-ignore!! Nakikita ko pa siya na pumapasok doon sa lumang office niya, tapos pag tinatawag ko siya hindi niya ako pinapansin. Wala lang talaga ako sa kanya.

Sakto lang naman height ko, pero parang hindi niya talaga ako nakikita.

Nagdadalawang isip tuloy ako kahit isa lang isip ko kung totoo ba ‘yung sinabi niya sa ‘kin.

E kasi naman diba, we just met tapos gano’n na agad. Well, that is possible na mangyari talaga. But, kung sa akin man mangyayari, ang hirap paniwalaan.

Nandito ako sa hallway namin. Kakatapos lang kasi ng last subject namin. Hindi ako nakinig, o should I say wala akong naintindihan si diniscuss ni Ma’am. ‘Yung isip ko kasi puro si Karina lamang. Siya lang talaga laman ng isip ko at wala ng iba pa.

Na cu-curious na rin ako if nakakatulog ba siya nang maayos gabi-gabi, kasi ‘di ba ika nalang kapag nahihirapan kang matulog, it means may nag-iisip sa ‘yo? Palagi ko siya iniisip, araw man o gabi.

But I’m not sure if totoo ‘yan, narinig ko lang kasi iyan kay Ning e. Ang kapal nga ng mukha niya e kasi nag memessage ‘yon sa ‘kin pag hindi siya inaantok, o hindi siya nakakatulog nang maayos tapos sabi-sabi pa niya na iniisip daw siya ni Giselle.

Dalawa na kaming feelingera.

Pababa na ako ng hagdanan at tinignan saglit ang office ni Karina. May nakita akong isang magandang babae na pumasok do’n.

Akala ko ba gusto niya ako? Bakit may pumasok na ibang babae sa office niya?

Dapat ako lang pwede ro'n!

Nakaka-badtrip na talaga ‘tong araw na ‘to. Nagdadabog akong bumaba ng hagdanan. Wala kasi si Ning ngayon, nag-excuse ‘yon sa ‘kin na hindi muna siya makakapasok today. Tapos ni-message ko si Giselle, magpapasundo ako tapos nireplyan ba naman ako ng, “Ikaw ba si Ning?” nakakasakit na talaga sila.

Lintek lang ang walang ganti!

Bumaba na ako nang tuluyan.

Pumunta muna ako sa building 2 kasi may inutos pala si Miss President sa ‘kin. Kukunin ko raw ‘yung mga papel na nasa PDSA office.

Patungo na ako sa PDSA nang may nakabangga sa ‘kin.

Ano ba ‘yan!

Pinulot ko ‘yung mga dala-dala kong gamit, pero ‘yung nakabangga sa ‘kin ay hindi man lang ako tinulungan. Nagmamadali pa itong naglakad papalayo.

Ang malas ko talaga today.

Pagkatapos kong pulutin ‘yung mga gamit ko ay umakyat na ako papuntang third floor. Ilang minuto ay nakarating na rin ako. Subalit lock ‘yung pinto.

Kinuha ko ang aking phone at minessage ko si Kaye.

Winter:
Pres, walang tao.

Kaye:
Mag wait ka lang d’yan.

Always Yoo | winrina Where stories live. Discover now