Chapter 16

137 7 0
                                    

Galing ako sa bahay nila Giselle kanina. Na-mention ko kasi ‘yung gawain namin sa FABM and sabi niya basic lang daw ‘yon. 

Nasabi niya rin sa ‘kin na noong grade 11 daw ‘yon nila na topic.

Grabe rin ‘tong SMU, ang late nila.

Nakauwi na ako sa bahay dahil nasagutan na ni Gi ‘yung problem 3 ko. Syempre, hindi ko siya hinayaan na siya lang mag sasagot ‘no. Nakinig ako sa kanya nang maigi tapos ang dali lang pala. Nag-iinarte lang talaga ako.

Wala akong kasama ngayon, palagi naman. Busy kasi palagi si Mama e. Wala na nga kaming time na kaming dalawa lang talaga. Kahit nga sunday ay wala ito sa bahay. Hindi ako sanay. Palagi kasi siyang nag-sstay sa bahay tuwing sunday, kasi wala naman silang work no’n but this time, hindi ko alam. Parang meron, na parang wala. Ewan ko ba.

Nagulat ako ng biglang tumungog ang doorbell.

Pag si Ning ito, nakuuu nalang talaga.

Tumayo ako at agad ko naman itong pinagbuksan. Nagulat ako sa aking nakita.

Si Karina, nandito siya at marami pa itong dala.

“Hey, are you okay?” Karina asked me.

Bumalik na ako sa aking pag-iisip.

Grabe talaga ‘yung kagandahan niya!

“O-oo, ayos lang ako.” nauutal kong sabi rito.

Pinapasok ko siya sa aming bahay. Buti nalang talaga dahil hindi makalat ito, nakakahiya naman kung gano’n.

“You’re alone?” tanong niya at inilibot ang tingin sa aming paligid.

This is the first time na pumasok siya rito sa bahay namin.

FIRST TIME!!!

“O-oo, Karina. A-ano pala ginawa mo rito?” tanong ko sa kanya.

Nauutal talaga ako.

Umaaayyy pa’no ba kasi ang ganda-ganda niyaa shootttt

“I just noticed that everytime you see me, you’ll ask me in that question.”

“Umh, ano ka-kasi” hindi ko natuloy ang aking sasabahin dahil pinutol ito ni Karina

“What? Are you not happy that I’m here?” she asked me.

“No, Karina. Hindi naman sa gano’n”

“Well, that’s good to hear” aniya at agad na kinuha ‘yung dala-dala niyang paper bags. Inilapag niya ito sa aming mesa at kumuha rin siya ng plato.

“Let’s eat” sabi niya sa ‘kin.

Hindi ko alam kung ako ba o si Karina ‘yung bisita rito sa amin. Grabe! Andami niyang dinalang pagkain tapos isa na rito ‘yung adobo. Hindi niya raw ‘yon kinakalimutan kasi baka raw umiyak ako.

As if naman.

Umupo na ako sa kanyang harapan.

Kunware ako ‘yung bisita rito.

Nilagyan niya ng kanin ang aking plato.

“Thanks, Karina” pasasalamat ko sa kanya. Tumango-tango lang siya at nagpatuloy sa kanyang pagkain.

Nagsimula na rin akong kumain.

Pagkatapos naming kumain ay naghugas muna ako. Sabi pa niya sa ‘kin na siya raw maghuhugas kasi gamit niya rin naman ‘yung iba,

But I disagreed.

Hindi naman porket gamit niya ‘yon e, hahayaan ko nalang siya. Isa pa, bisita siya rito. Pero kung makakilos siya, parang siya ‘yung nagmamay-ari sa bahay at ako naman ‘yung nag visit lamang.

Always Yoo | winrina Where stories live. Discover now