Chapter 26

136 4 0
                                    

Maaga akong umalis ng bahay at patungo na ako sa opisina ni Karina. Mamayang 10 a.m. pa naman magsisimula ang pag-rereview namin sa Business Finance.

It’s already 6:55 in the morning, and nasa tapat na ako ng pintuan sa office ni Karina. Hindi ito sarado kaya naman ay agad na akong pumasok. Buong akala ko ay nasa loob na si Karina. Minsan kasi kapag pumunta ako dito ay locked pa talaga, but this time hindi.

Tuluyan na akong nakapasok, at nagulat ako sa aking nakita. May batang nakaupo sa sofa, she’s holding her laruang rubik’s cube. Kung ako ang tatanungin ay nasa edad na anim o pito na ito. Makinis ang balat ng batang nakaupo sa sofa, at matangos din ang kanyang ilong. Ang mga mata naman nito ay sobrang ganda, gaya ng kay Karina.

Pumasok na ako at pumunta sa kinaroroonan ng bata, umusog naman ito at hindi man lang ako pinansin. Buti naman kung ganun. Tinuruan siguro siya ng “Don’t talk to strangers” ng kung sino man ang magulang niya.

Pero nakakapagtaka lang. Ngayon ko lang kasi nakita ang batang ito. Tinignan ko ulit ang bata at hawak-hawak niya lang ang rubik’s cube.

Eme lang siguro ‘yung pag-iisip niya lol

Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa rin ginagalaw ang mga bahagi nito.

“Sino kasama mo here, bata?” tanong ko sa kanya. Nanatili pa rin ang tingin nito sa hinahawakan na rubik’s cube.

“You can talk to me, I’m not stranger” basag ko sa katahimikan.

“Mommy told me not to talk to people I don’t know” sagot naman ng bata.

I found it humorous when she said that to me, even though she didn’t know me nga.

Ang babaw mo, Winter.

“I am not a stranger,” I said, and she looked up at me.

“Who are you po?" she politely asked me, "Are you here waiting for my Mommy too?" she added.

Anong Mommy ang sinasabi niya?????

“I’m Winter,” pakilala ko sa kanya, binalewala ‘yung mommy na sinasabi niya.

“The season?” she asked in perplexity.

Umiling ako, “My name is Winter Kim, and I’m waiting for that girl” I indicated, pointing to Karina’s photo on top of the cabinet in front of us.

“Are you waiting for my mommy rin?” masayang sabi ng bata sa akin.

Ano?

Anong, ‘my mommy’ rin????

Ibig sabihin?

No!

“You mean, Karina is your Mommy?” I asked in disbelief. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin na nagsisinungaling ito, dahil hindi naman nagsisinungaling ang mga bata?

“Yes po, Ate Season. She’s my Mommy po.” parang nabibingi ako sa mga sinabi ng bata.

Maliban kasi sa tinawag niya akong ate season, sinabi niya rin na mommy niya talaga si Karina.

So, ibig sabihin may anak na talaga si Karina? At itong batang nasa katabi ko?

But wala naman akong napakinggan ukol dito.

Naputol ang aking pag-iisip nang bigla akong tawagin ng bata.

“Ate,” tawag nito sa akin. Buti naman at wala ng season.

Tumingin lang ako sa kanya, “Do you know how to solve this?” she asked, umiling lang ako dahil hindi ko naman talaga maalam ‘yon.

“Did you know that my Mommy taught me how to solve this?” hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

Always Yoo | winrina Where stories live. Discover now