Chapter 9

173 9 0
                                    

Hindi ko alam pero grabe talaga ‘yung pagod na nararamdaman ko ngayon. Andami naming ginawa. Una ay nag practice kami para sa aming Music na Performance Task. Ikalawa naman ay pinaglinis kami ng hallway. E kanina kasi may bata tapos hindi naman alam na magkakalat pala siya sa hallway. Hindi pa namin siya pinansin kasi busy nga kami sa pag pa-practice. Pagkatapos ay nagulat nalang kami kasi ‘yung hallway, sobrang dumi na. Maraming pagkain na natapon, tapos ‘yung mga gamit niya rin ay nagkalat. Anak ata ‘yon ni Ma’am Quezon, e ‘di niya raw namalayan na lumabas ang kanyang anak kaya ‘yon.

Pero ang hindi ko ma-gets e, bakit kami ‘yung pinaglinis ng mga kalat? Tsaka, isa pa, hindi namin ‘yon kasalanan diba?

Pero wala kaming choice.

Niligpit ko na ang aking mga kagamitan dahil kanina pa ako uwing-uwi. Ang sakit talaga ng likod ko, ewan ko ba rito.

Nakita ko si Ning na papalapit sa akin, “Problema mo, Girl?” tanong nito sa akin.

“Wala” tipid kong reply sa kanya.

Mas lumapit ito sa akin lalo, “Sure ka ba?” tumango na lamang ako at lumabas na ng classroom namin.

Naglalakad na kami pababa. Nasa 2nd floor kasi ‘yung classroom namin.

“Girl, gala muna tayo? Maaga pa naman.” sabi ni Ning, nang nakatingin sa kanyang relo.

Umiling lamang ako sa kanya.

Ang sakit-sakit talaga ng likod ko. Ewan ko nalang. Ang bata ko pa pero ‘yung sakit ng likod ko, pang matanda na.

“Winter, may problema ka ba?” hindi pa rin ako sumagot, dahil wala akong gana mag salita sa ngayon.

Pagod ako, pero kung makikita ko man si Karina. Syempre mawawala na ‘tong pagod ko.

Pati siguro sakit ng likod ko, mawawala.

Charot.

“Snowbear ka na pala, Win” biglang sabi ni Ning.

Gusto kong tumawa pero pinigilan ko na lamang.

Anong snowbear pinagsasabi mo d’yan.

Ilang minuto ang lumipas ay nakalabas na rin kami ng campus.

“Punta ako 7/11, ayaw mo talagang sumama?” tanong ng aking kasamahan.

Tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya.

She sighed.

“Sige, mauna na ako ah?” sabi niya sabay tapik sa aking balikat.

At sa uulitin, tumango lang ako bilang response sa kanyang sinabi.

Nagsimula na si Ning maglakad papuntang 7/11 habang ako naman ay nagsimula na rin sa kaliwang bahagi. Mga dalawang minuto ay makakarating na ako kung saan dumadaan ‘yung jeep papunta sa amin.

Patuloy ako sa aking paglalakad nang biglang kong makita si Karina sa may ‘di kalayuan. Nakatayo siya sa tapat ng bank na makikita mo rito. Natila ba ay parang may hinihintay ito.

Tumigil muna ako sa aking paglalakad at pinagmasdan muna siya. Nakita ko na may isang lalake na papalapit sa kanya.

Siya ba ‘yung lalake na sinabi ni Ning sa akin?

Balak na sanang yakapin ng lalake si Karina, subalit bigla na lamang itong sinampal ni Karina.

Deserve!

Patuloy pa rin si Karina sa pagsasalita at patuloy na tinuturo-turo ang lalake. Tila’y galit na galit ito sa kanyang kausap.

“Kabataan nga naman” rinig kong sabi mula sa aking likuran, na nakiki-chismis din.

Always Yoo | winrina Where stories live. Discover now