Chapter 28

136 5 0
                                    

As what I have promised to my girl — Karina. Akala mo talaga merong kami e’ pero doon din naman kami papunta.

Anyway, I started courting her last week. After kong sabihin ‘yung about courtship. Up until now, natatawa pa rin ako at what I asked her last time.

I didn’t mean to say those words, bigla-bigla nalang talaga siyang lumabas sa bibig ko. However, maganda rin naman ang gabing iyon sa akin. Nasabi ko na sa kanya ‘yung gusto kong sabihin, and of course nasabi ko rin na liligawan ko na siya. Also, I made a promise to her.

Kaya, kinabukasan no’n ay sinimulan ko na ang panliligaw sa kanya and so on. Gaya ng kay Mama ko, I bought her flowers every single day. Maaga nga akong gumigising para mag order, tapos pinapa-deliver ko sa kanila. But, nag-aask muna ako sa kanya kung anong oras siya pupunta ng school.

Kapag kasi 8:00 pa siya pupunta, tapos 7:20 ‘yung first subject namin, pinapa-deliver ko lang ‘yung flowers sa bahay nila. At kapag maaga siya kumpara sa akin, pinapa-deliver ko sa office niya.

Nobody knows na ako ang nagpapadala ng bulaklak sa kanya. Some students thought na si Jeno raw —  ‘yung manliligaw niya na kinaiinisan naman ni Karina. Meron din namang nagsasabi na ‘yung student na taga kabilang building. Hindi ko naman ‘yon kilala, kasi di naman ako pupunta roon. Tsaka, wala akong pake kung sino siya, ‘no.

Ang tambayan ko lang talaga ay sa room namin, tsaka sa office ni Karina. Doon sa lumang office niya, located dito sa building namin.

I asked her already kung bakit hindi siya doon sa bagong office niya, na nasa kabilang building lang naman. Sabi niya naman sa akin ay hindi niya raw bet, tsaka medyo kalakihan lang daw iyon. Tapos gusto niya raw dito, kasi nakikita niya ako at mabilis ko lang daw siya mapupuntahan.

Nakakakilig lang.

Saying those words of hers was so good to hear.

Alam kong paulit-ulit na, but she’s the only girl that I love, and want. Marami akong sinabi dati na hinding-hindi ako manliligaw for someone kahit gaano ko pa ‘yan kagusto, but now? Natatawa na lang ako kapag iniisip ko ‘yon.

Until now, I still can’t believe what happened between us. Kung siguro isa lang itong panaginip, may I never wake up! Marami talaga ‘yung nangyari, gosh. I’m not sure if this is real or just a figment of my imagination. Feeling ko ay nababaliw na ako.

Kasalanan ito ni Karina — baby ko.

I’m currently here sa classroom namin. Tapos na ‘yung class namin today, pero pinaiwan ako ni Kaye dahil meron daw siyang sasabihin sa akin. Wala akong idea kung ano ‘yun, kaya nag stay ako here.

Si Ningning naman, as usual, nakipag date na naman sa pinsan ko. Masaya naman ‘yung relationship nila as I know. Merong tampuhan, away at hindi pagkakaintindihan pero inaayos din naman nila agad-agad.

Palagi nga rin nila akong nilalapitan sa tuwing nag-aaway sila, and ako naman, as their friend binibigyan ko si Ningning or si Giselle ng advice. Isa talaga sa kanila ang lumalapit sa akin kapag hindi sila maayos. Kaya ako naman, puro advice lang.

Ilang sandali ay nakarating na rin ang babaeng kanina ko pa hinihintay. Bago niya kasi ako iniwan kanina ay may pupuntahan daw muna siya. Hindi na ako nagtanong sa kanya dahil tila ba ay nagmamadali ito.

“Sorry, ngayon lang” aniya.

“Ayos lang. Ano pala ‘yung sasabihin mo sa akin?” seryoso kong tanong sa babaeng kaharap ko ngayon.

“Actually, si Ningning talaga dapat ‘yung dapat dito pero she said na ikaw na raw since, magaling ka raw dito.” nagtatanong akong tumingin kay Kaye. Wala kasi akong idea sa kung ano ang ibig niyang sabihin.

Always Yoo | winrina Where stories live. Discover now