Chapter 21

136 5 0
                                    

Absent ako ngayon dahil nilalagnat ako. Hindi kasi ako nakapagdala ng payong kahapon, kaya ito ‘yung resulta.

Tumayo muna ako para kunin ang gamot na binili ni Mama kanina bago siya umalis ng bahay. Nagdadalawang isip pa ako kung iinumin ko ba ito or iinom nalang ako ng maraming tubig. Yun kasi sabi-sabi nila pag may lagnat ka, inom ka lang ng maraming tubig.

Lumabas ako ng aking kwarto at nagtungo sa kusina. Kumuha ako ng baso at nilagyan ko ito ng tubig. Pagkatapos mapuno ang baso ng tubig ay agad ko ng binuksan ang gamot at agad kong nilunok ito.

Bumalik na agad ako sa aking kwarto dahil masakit na naman ang aking ulo. Gusto ko sanang i-message si Gi na pumunta siya rito, pero hindi ko magawa kasi ang sakit talaga ng aking ulo. Mas lalo kasing sumasakit kapag nakatutok sa selpon.

Humiga ako sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko alam, pero naiiyak ako sa sitwasyon ko ngayon. Ang sakit ng ulo ko, tapos hindi rin mawala-wala sa isip ko si Karina. Hindi niya kasi ako pinapansin.

Dalawang linggo na niya akong iniiwasan. I tried to message her last time, but it was unsuccessful. She didn’t reply to me. Kahit dot man lang, wala talaga. Kaya hindi ko na lamang siya minesage ulit, baka kasi nakakadisturbo na ako. And that day, pala, I saw her post a new photo of herself on Instagram. Halatang-halata na iniignore niya talaga.

Tinignan ko ang aking relo at alas dyes na pala ng umaga. Umupo muna ako sa aking kama, at naramdaman kong hindi na masakit ang aking ulo.

Tumayo ako at lumabas ng aking kwarto. Nagulat ako dahil tila ba ay parang may tao na nakapasok sa bahay namin.

“Ni-lock ko naman ‘yung pintuan.” I whispered.

Dumiretso ako sa kusina namin, at tama nga ang hula ko, may nakapasok nga, and she’s cooking something. Likod palang nito ay alam ko na kung sino.

It’s Karina Yoo — the girl who ignored me for two weeks.

“W-what are you doing here?” wow english.

Napatalon pa ito nang magsalita ako. Tinignan ko ito at para siyang nakakita ng multo. Eh siya naman itong ghost — er

“UH-I-” nauutal nitong sabi.

“What?” I asked.

Agad niya akong tinalikuran at bumalik sa niluto niyang nangangamoy na. “Wait, let me finish this,” she said, and I heard her saying a bad word.

Nagmumura pala ang isang Karina Yoo?

Bakit ang cute?

Winter, ano?? Cute???

Nilagay niya na sa lagayan ang niluto niyang favorite kong ulam. Marami pala itong niluto, hindi ko man lang napansin.

Hindi ko talaga gets itong si Karina, may balak siguro siyang maging tagaluto rito sa bahay namin.

Inalis na niya ang apron na suot-suot nito at lumapit sa akin.

“I’m sorry if I didn’t message you before I came here,” she said. “Uhm, I didn’t bother you because your mom mentioned that you’re sick, so I came here immediately, and I saw you earlier sleeping peacefully, so I planned to cook so that you can eat when you’re awake.” she explained at nahihiya pa itong tumingin sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. After niya akong i-ignore, maypaganito siyang gagawin sa akin?

Paano kung hindi ako nilagnat?

Iiwasan niya pa rin ba ako?

Need ko na bang magpasalamat kay Mama at sa ulan dahil nilagnat ako??

Always Yoo | winrina On viuen les histories. Descobreix ara