Chapter 367

320K 11.5K 11.4K
                                    

A/N: Naglagay lang ako hint sa isa sa characters sa kwento ni Angelo. Then hanggang dito muna, para meron ako entry sa pasko. 

Family talks

Jay-Jay's POV

Napaaray ako matapos isaksak ulit ang swero sa kamay ko. Dahil sa kaguluhan kanina hindi ko namalayan na nahugot na naman pala. Mas masakit nga lang dahil hindi siya tuluyang natanggal, kung kalahati ng karayom nasa ugat ko pa rin.

"Kapag natanggal pa ulit 'to, sa kabilang kamay na natin ilalagay," sabi ng nurse habang dinidikitan ng surgical tape ang karayom para hindi magalaw. 

Dinagdagan na rin niya para hindi madaling matanggal. Mukang nainis na rin siya dahil pangalawang beses ng natanggal ang swere ko.

"Sa leeg niyo na lang ilagay ang swero niya para magtino," inis na sabi ni Kuya Angelo.

Meron bang swero sa leeg?

Ako tuloy ang nahiya dahil sa sinabi niya. Mukang natakot naman ang nurse sa kanya dahil binilisan niya ang paglilinis ng mga ginamit niya at naglakad paalis ng hindi kami nililingon.

Katabi ko si Keifer na nakatayo lang at nakatinign sa 'kin. Umalis muna sila Sir Alvin at mga kaklase namin. Kasama din nila si Percy pero sabi niya babalik din siya agad.

"Tumigil ka nga Angelo," sita sa kanya ni Tita Gema bago lumapit sa 'kin.

Nakangiti siya sa 'kin no'ng una pero naglaho 'yon ng mapansin ang leeg ko. Agad akong yumuko. Naging kampante ako kanina, akala ko nawala ang marka sa leeg ko dahil wala namang sinasabi ang mga Ulupong.

"Anong nangyari dyan?" tanong niya at hinawakan ako sa baba para sana tignan mabuti pero umiwas ako. 

Agad niyang hinarap si Kuya. "Angelo?"

"What?" sagot naman ni Kuya.

"Bakit ganito ang leeg ni Jay-Jay?" May halong pagbabanta sa boses ni Tita.

Nagtaas ng kamay si Keifer para agawin ang atensyon niya. "It was done by my... f-father."

Parang ang tabang ng pagkakasabi niya ng father. Agad na nag-iba ang itsura ni Tita Gema at ganon si Mama na abala sa paglilinis ng mga kalat sa lamesa. Pati si Aries parang naalarma din. 

Hindi ko nga pala sinabi ang totoo na si Keigan ang may gawa nito. Ayoko na ring sabihin dahil baka iba ang isipin nila sa kapatid ni Keifer. Eh meron nga siyang pinagdadaanan.

"Paano nangyari 'yon?" tanong ni Mama at padabog pang binato ang hawak na plastic sa lamesa bago lumapit sa tabi ni Tita.

"Long story short, sinubukan niyang kuhanin ang bunsong kapatid ko but I think Jay-Jay tried to stop him and he hurt her," paliwanag ng Hari ng mga Ulupong.

Napangiwi ako. Hindi naman kasi ganon ang nangyari pero hindi ko naman pwedeng kontrahin dahil baka masabihan din siyang sinungaling.

Kita ko ang pag-aalala ni Mama at Tita Gema. Tinignan nila si Kuya na para bang hinihintay nilang magbigay siya ng paliwanag pero nagkibit balikat lang sila.

"Bakit magkasama ang kapatid mo at si Jay-Jay?" tanong ni Aries kay Keifer.

"He was also hospitalized and stayed here with Jay because of - "

"Food poisoning. Pareho sila ni Jay-Jay," putol ni Kuya sa sagot niya.

Nagpalitan pa sila ng tingin bago tumango ang Hari at tanggapin ang sinabi ng pinsan ko. Naiintindihan ko naman na hindi pwede sabihin ang totoong dahilan kung bakit kami na-ospital. Kaso ang hirap magsinungaling kung iba-iba kami ng kwento. 

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon