Angel 9

1.3K 21 13
                                    

This chap is dedicated to Gorgeouzelle , nakakatuwa ang mga comments mo, natatawa ako promise XD so Enjoy!

————-

Hindi pa rin ako makapaniwala. Nag-thank you sya saakin. Wala naman akong ginawa ah?

Anong day ngayon? Saturday. So my Saturday sickness kaya sya? May ganun ba? Naku patay ako nito, baka may Sunday sickness din sya.

"don't— hey! Are you listening?"

Napalingon ako kay Clauss na magkasalubong na naman ang kilay. Hay signature natalaga nya yan, kaya hayaan nyo na. Imagine nyo nalang si grumpy ng 7D

"umm, oo naman. Ang haba-haba nga nun eh nakalimutan ko tuloy"

Binulong ko yung huli kasi wala naman akong narinig. Tumitig sya saakin. Oh? Ano? Nahuhumaling sya sa kagandahan ko? Aba, maliit na bagay. Haha

"Hindi mo nga na galaw ang pagkain mo. Oh, what did I say?"

Naptingin ako sa plato ko. Bakit ko ba iniisip ang bagay na yun? Yan tuloy! Hay ikaw talaga Demi, ang ganda mo!

"ano—sabi mo ano—"

"see? You're not paying attention. Sabi ko okay na ang kwarto mo. Wag ka lang masyadong maingay kasi magkatabi tayo ng kwarto at magkadikit. Simpleng sigaw mo maririnig ko."

Sabi nya at sumubo ng adobo. Bakit ang gwapo nya habang ngumunguya? Hindi naman siguro masamang magka-crush no? crush lang naman, kasi ang gwapo nya naman. Syempre, ang magandang katulad ko sa isang gwapo magkakagusto, pero manyak sya so wag nalang siguro—

"hey. Alam kong gwapo ako pero can you stop that?"

Tinaasan ko sya ng kilay. Gwapo na sana eh. Hindi ko talaga maisip kung paano sya naging anak ni Tita.

"tss. Ang mukha gwapo ugali gago"

Pabulong kong sabi habang hinihiwa yung taba at iniisip na si Clauss yun. Bigla namang natahimik ang plato nya kaya napatingin ako.

"what did you say?"

Sabi ko naman sayo Demi diba na wag galitin ang master? Hala ka, maghahanap ka ngayon ng bahay.

"walang ulitan sa taong bingi!"

Singhal ko at agad na tumayo at simulang ligpitin ang plato ko. Nakakainis naman kasi ang mukha nya. Grumpy. Pero mali yung ginawa ko.

"uulitin mo o sa labas ka—"

"oo na. Mukha mo gwapo ugali mo gago"

Bahala ng mapagalitan basta hindi ako matutulog sa labas. Baka lamukin ang maganda kong kutis. Wala ng mamanyakin si Clauss. Tss. Naiisip ko pa talaga ang bagay na yan. Pambihira.

"I'll be proud kasi maganda yung ne-rhyme mo pero hindi e. Bad girls will face consequences"

Sabi nya saka irap saakin. Hindi nalang ako nagsalita. Hinugasan ko yung kinainan namin at pagkatapos ay pumunta ako sa salas. Nakita ko sya roon. Nanunuod ng TV. Now I conclude na may Saturday sickness na si Clauss. Hindi nag bar, palakpakan.

"wala ka atang lakad?"

Tanong ko. Himala lang, hindi sya nagba-bar ngayon. Sana naman tuloy-tuloy na to para sa paghahanap na sa parents ko ang atutupagin nya.

"masyado pang maaga"

Sagot nya saakin na nakatingin pa rin sa TV. Napatingin ako sa relo ko. Nasindak ako, alam nyo yun?

"wow, quarter to seven na tapos maaga? Anong klaseng bar naman yan? Para sa mga momo?"

Natatawa kong tanong. Tumingin naman sya saakin na magakasalubong na naman ang mga kilay.

The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon