Angel 16

1K 22 20
                                    

Hello Loves :) Yung binibigyan ko ng dedic dito sa story na to ay yung active sa CIE, kasi naman hindi na ako pweding mag-dedic doon sa CIE kaya dito nalang :) Dedic is equals to thank you! Anyways, Enjoy this chap :*

—-

"DEMITRIX?! FASTER!"

Sa sigaw ni grumpy hindi ko na tuloy na nasuklay ng maayos ang buhok ko. Hindi nga ako maayos na nakahilod kanina kasi late na akong nagising. Buti nalang talaga at hindi nagreklamo si grumpy na hindi kami nakapag-agahan.

Che-nek ko ulit ang bag ko at nagmamadali akong lumabas. Naabutan ko sya sa may sala na naglalaro ng susi nya, nakakunot ang noo at my God. Bakit ba ng gwapo nya?!

"bakit ba ang tagal mo?!"

Galit nyang tanong saakin habang hinahanap ko ang suklay sa bag ko. Sa sasakyan nalang ako magsusuklay. Eraly bird kasi ang isang to.

"pasensya naman jan, Grumpy."

Sabi ko at humarap ako sa kanya. Magkasalubong pa rin ang mga kilay nya habang nakatingin saakin mula ulo hanggang paa. Nagulat naman ako sa kanya dahil maayos na ang pagkakasuot nya ng kanyang uniform.

Napaatras ako nung bigla syang humakbang papalapit saakin. Nakatutok ang mata ko sa kamay nya na dahan-dahang pumupunta sa may mukha ko. Hinawi nya ang mga hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko. Bigla ko na naman naramdaman ang isang pamilyar na pakiramdam.

"comb your hair, retard"

Sabi nya at nauna na syang maglakad saakin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napano na ba ako? Kagabi pa to eh. Sya nga yung dahilan kung bakit hindi ako makatulog kasi mukha nya ang nakikita ko habang pumipikit ako. Tama ba yun? Diba dapat parang may fireworks sa madilim ka na makikita pero yung kagabi mukha nya. Mukhang nagayuma nya na naman ako.

"RETARD?!"

I snapped back to reality. Tumakbo ako palabas dahil nababaliw na naman ako. Nasa labas na ang kotse ni grumpy. Ni lock ko muna yung gate bago ako maglakad pero paglingon ko may isang anghel akong nakita. Si Blue.

"Good morning, pretty girl. Sabay kana saakin?"

Bigla nalang lumabas ang mga matatamis ko na ngiti at mahigpit akong napahawak sa strap ng bag ko.

"ahh-ha? Good mor-rning din, B-lue"

Sabi ko sabay smile with gilagid pa talaga. Kasi ang gwapo nya at ang sweet nya.

Bigla nalang nawala ang ngiti ko sa labi nung may maramdaman akong kamay sa bewang ko. I mentally rolls my eyes heavenwards. Panira rin kasi ng moment eh.

"She's with me, Vergara. You can go now"

Parang tinataboy naman ni Grumpy si Blue, si Blue na tong nagyaya saakin. Kakaembyerna.

"aww-I'm sorry. You're with your boyfriend pala, pretty girl. So I'll see you there?"

Nakangiti nya pa ring tanong. Bakit ba ang kalma nya? Nagha-heart na yung mga mata ko tuwing nakikita ko sya.

"okay. Buh bye, Blue"

Hinhin kong sabi sa kanya. Tinatanaw ko nalang ang motorbike nya habang paalis.

"ano ba grumpy!"

Sigaw ko kay grumpy nung bigla nya akong hilahin papasok sa sasakyan nya.

"wag ka masyadong magtiwala sa Vergara na yun."

Napalingon naman ako sa kanya na matalim ang tingin.

"Ang OA mo, alam mo yun? Nagseselos ka ba?"

The Lost AngelWhere stories live. Discover now