Angel 26

985 19 3
                                    

"Kila Jestill pala to pre? Big time na big time no?"

"She's just like dad, Clyde"

"Pero bakit ayaw pa ring tanggapin ng mommy mo si Jestill?"

"Tumahimik ka nga Rio. 'Wag mo ng ungkatin ang nakaraan. Kingina ang lalim nun ah? Sayo ko ba natutunan yan?"

"Kadiri ka pre, di tayo close 'no"

"What? Why are you looking at me?"

"Wala lang, titig na titig ka kay Demi eh"

Sa ganda ko ba naman na ito sinong hindi mapapatitig? Lungs lang.

Oo, gising na ako at nakikinig lang ako sa kanila. Ganito kasi yung nakikita ko sa mga teleserye eh, habang natutulog yung pasyente may malalaman agad syang sekreto, baliw lang 'no? Pero mukhang wala naman silang matinong usapan kaya naisipan ko nalang na bumangon.

"Oh, gising ka na pala jan--PRE GISING NA SI DEMI--ARAY KO NAMAN TANGNA MO PRE?"

"Can you please minimize your voices?" Singhal naman ni Grumpy kay Clyde at tumingin saakin. "How are you?"

Tumitig naman ako sa kanya at biglang nag-flashback yung nangyari kanina. Ahhh! Nakakainis talaga ang Lucelyn nay yun! Nang dahil sa kanya hindi ako nakapangisda!

"Okay lang naman." Napatingin ako sa digital clock na nakasabit sa kwarto namin dito sa hotel. "Aba, hating gabi na pala? Bakit 'di pa kayo tulog? Nasaan yung dalawa?"

Speaking of dalawa, nakita ko sila na niluwa ng kulay yellow na pintuan. Akala ko magiging daga sila kasi 12mn na. haaay Demi. Isip bata pa rin.

"Oh? Anong sabi?"

Tanong ni Rio kay Keana.

"They're looking for us, especially you're mom, Clauss" At tumingin naman siya saamin. "Buti nalang at Semestrial break na next week at in-advance yun ng mom mo Clauss"

Napansin ko naman na biglang nag ikis ang kilay ni Hilaw, sa susunod lalagyan ko na talaga yan ng malaking check! Tapos wrong minus one!

"How did that happened? Sinabihan 'nyo si mom na hinahanap natin ang magulang ni Demi? Fvck!"

Bulyaw naman niya kila Keana at bigla sya nitong binatukan ni Jarra ng pagkalaks-lakas at napa-aray. Bulyaw kasi nang bulyaw akala mo naman ikakagwapo nya, pero gwapo pa rin sya 'no kahit nakabulyaw?

"Hoy Hudgen! Diba pakana na naman 'nyo ito ni Andalle. Explain!"

Ma-awtoridad na sigaw ni Jarra sa kanila. Kung hindi ko lang talaga kilala ang babaitang ito matagal ko nang pinutol ang matutulis kong sungay at walang pag-alinlangang tumakbo sa takot. Nakakatakot talaga sya.

"OA ha! Si Rio may pakana nito. Sinabi nyang magtratravel kayo ng jowais mo, at ayun nagpapyesta sa buong subdivision ang nanay mo". Tudo suporta ni Clydell. Sinamaan naman sya namin ng tingin at nag peace sign ito. "Lungs lang. Di naman kayo ma biro"

"Eh pare kung tisoy. Makaluma ka na kasi ng joke eh."

Bigla silang nagkarambola habang si Clydell parang papatayin na talaga si Rio.

"lechugas ka pre! Ikaw na nga 'tong tinutulungan!"

"Tamo na pre? Hindi ka na nadala sa mga jokes ko! Matanda ka na kasi eh! HAHAHAHAHAH!"

"CAN YOU PLEASE SHUT UP!?" Bigla naman akong nainis sa pagsigaw ni Clauss sa kanilang dalawa. "What are you staring at?" Tanong nya nang mapansin akong masamang nakatitig sa kanya.

The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon