Angel 21

993 20 10
                                    

"Jestill. . ."

Gusto ko lang naman malaman kung sino sya, gusto ko lang malaman kung gaano sya kaimportante kay Clauss, gusto ko lang malaman kung bakit nya sinaktan at iniwan si Clauss at gusto ko lang malaman kung mahal nya pa ito.

Tila ba tumigil ang tibok ng puso ko at ang galaw ng paligid ko. Unti-unting bumagsak ang balikat ko at tila nawalan ako ng lakas.

"Tell me, this is not happening"

Mahinang sambit ni Jarra na ikinagulat ko naman. Anong not happening? Kita na nga eh! Nasa harapan na.

"Clauss..."

Gulat na sambit ni Jestill habang si Clauss ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman nya. Sabi nya galit si Clauss sa kanya? Bakit lungkot ang nakaguhit sa mukha mya? Igting naman ng konsyensya ko. Bruhildang konsensya!

"Ahh, guys. Pweding iwan na muna natin sila? Mukhang may pag-uusapan lang sila"

Sabi ni Keana habang nakatingin saakin. Mahabang pag-uusapan nga eh.

"Okay ka lang, Demi?"

Tanong naman sa akin ni Rio nang mapansin nyang tahimik lang ako.

"Oo naman! Nagulat lang ako kasi parang-parang pinagtagpo talaga sila ng tadhana"

Habang binibitawan ang mga salitang iyon na hindi ako nabubulol, parang gusto kong humagulgol ng iyak dito, gusto kong tumakbo at isigaw na ang tanga-tanga ko para mahulog sa maling tao, parang gusto kong kuhanin ang puso ko at itapon para mawala ang sakit. Oo, ang sakit lang eh. Mamaya ka saakin Demi, gigitilan kita ng liig.

"Tayo na guys, may nakitang patag si Clydell sa may unahan"

Sabi ni Rio at hinanda ang kotse.
Pumasok na ako sa loob at katabi ko ngayon si Jarra na nakatingin lang saakin. Ano bang problema ng isang to? Baka naman nahulog na to sa kagandahan ko? Yaks!

"Paalam lang tayo kay Clauss"

Sabi ni Keana at nagmamadaling pumunta sa pwesto nila Clauss. May sinabi sya rito tapos nilingon ako, hindi umimik si Clauss at tinignan si Jestill habang si Jestill naman ay nakatingin sa ibang direksyon.

--
Habang nasa byahe, hindi parin mawala sa isip ko ang malungkot na mukha ni Clauss.

Akala ko ba galit sya kay Jestill dahil iniwan sya nito? Bakit kanina kung umakto para sya itong nang-iwan. Hindi lang pala tanga si Clauss, ang bobo rin pala, sayang ang gwapo pa naman!

Umiling nalang ako at huminga ng malalim. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa mga kagagahang ginawa ko. Kita mo na, Demi? Pinaalala ko sayo na huwag na huwag kang mahuhulog sa isang tao. Bulong ni Pedra sa pag-iisip ko. Umirap nalang ako at ibinalik ang mood ko kanina. Baka kasi mahalata nila eh.

"We're here! Galing talaga ng Clyde ko!"

Sigaw ni Jarra sabay pasok sa mga tents doon.

May tatlong tents na natayo na, may ilaw din gawa ng isang posteng-kahoy. Gumawa na rin pala ng bonfire si Clyde. Akala ko puro ka-sosyalan lang ang nalalaman ng mga ito kagaya ni Clauss--ano ba? Clauss ka naman ng Clauss eh!

--

"Hindi kaya ako takot sa multo!"

Singhal ko naman kay Clyde dahil tinatako kasi nila ako.
Nag-luto kami habang hinihintay sila Clauss. Hindi ko na rin sila inaalala kasi ako lang naman 'tong masasaktan.

"Maiba tayo guys, ano ng nangyari doon? Sayang di ko naabutan"

Tanong naman ni Clydell.

"Hindi ko nga maintindihan si Clauss eh. Ang sarap lang hambalusan 'no?"

The Lost AngelWhere stories live. Discover now