Angel 28

921 17 13
                                    


Love is madness. Sabi nga nila. Nakakagawa tayo ng masama para lang sa ating minamahal, chos ang hugot 'non. Kaya ngayon, gusto kong ilubog 'tong tatlong baboy sa harapan ko. Sinong nagsabing nagseselos ako? Ha? Ilulubog ko rin kayo!

"Excuse me? Why are you staring at us?"

Napalingon naman si Clauss at binigyan ko sya ng masarap-ba-jan-sa-tubig look. Hinarap ko naman si hipon na akala mo bagay sa kanya ang pink na suot. Sana nag-orange nalang 'sya 'no.

"Eshcush meh? Why are you shtaring at ush? Nye nye!" Pangagaya ko sa ka-oa-han 'nya. " I'm just looking for MY boyfriend" I said while emphasizing the word my. "Oh, boyfriend? Nanjan ka lang pala? Nagmumukha kang seaweeds ah?"

Sarcastic kong pagkasabi. Oo nagmumukha 'syang seaweed na pinalilibutan ng tilapia, hipon at anak ni Ursula. Walangyang lalaki 'to! Matapos kong aminin sa kanya na mahal ko 'sya, abay! Hindi pa nakontento? It's a privilege na tinawag ko 'syang boyfriend kahit hindi pa. Hindi pa? Ayyyy wait kinilig ako!

Demi, binabalaan kita. Tigiltigilan mo na 'yang nararamdaman mo para sa kanya.

Napalungkot agad ako. Alam ko naman na payag si Pedra eh kasi alam 'nyang babalik na rin ako sa langit. Eh kasi naiinggit lang yan, kaya ganyan kung mag-react. Hanap ka rin ng shokoy mo Pedra! Heh! yaan 'nyo na yan.

"Excuse me?"

Napatingin naman ako kay tilapia na hawak ang braso ni Clauss. Yaks ka Clauss! Hindi ko alam na nagagawang pet na pala ang tilapia ng isang hilaw na dwende.

"Oh? Bakit? Dadaan ka?"

Para naman silang nainsulto sa mga sinabi ko. Aba! Dapat lang! E-enjoy-in ko kaya si Clauss habang nandito pa ako sa lupa! Tapos ano? Sila 'yung nag-eenjoy? Sipain ko sila papuntang langit!

"Oh ateng anak ni Ursula, 'wag ka ng magsalita. Wala ka na ring mapapala" Lumungkot agad ang itsura 'nya. Ang OA beh, lunod kita jan nang magka-beso-han na kayo ni Pedra-- kung sa langit ang bus stop mo!

"Claussclauss ohh!"

Aba't! nagsumbong pa ah! Madadaganan ko talaga ang tatlong 'to kahit isa akong anghel hindi ako takot! Magme-meet and greet kayo sa mga pinsan 'nyo sa ilalim ng lupa!

"Please do me a favor and drown yourself"

Hindi ko alam kung bakit sila nagtakbuhan. Ano 'bang sinabi ko? Tss mga vuvu talaga, pero seryoso, ano ba ibig sabihin nung sinabi ko? Inaalala ko lang kasi 'yung isang line sa teleserye eh.

"Are you jealous?"

"No, I'm Demitrix"

Ang sakit 'non ah! Hindi na 'nya agad ako kilala? At jealous? My God! Kepanget-panget na pangalan! Ilista ko kaya yun sa listahan ni Pedra?

Napalingon naman ako sa gawi 'nya at ang hilaw tawa ng tawa. Isali ko na rin pangalan ni Clauss nang para sa kahuli-huling hininga ko magkasama kami. Lungs lang!

"Hoy! Anong tinatawa tawa mo jan?! kakaembyerna ka ah!"

Umahon 'sya sa tubig at para 'syang isang model na naglalakad patungo sa isang Dyosang--oppss sige reak kayo jan ilulunod ko kayo--katulad ko. Sa paghawak 'nya sa pisngi ko parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko 'yun na pala na kuryente kami kasi basang-basa kami lungs lang. Ewan ko pero sa bawat haplos 'nya para akong nanlalambot--nagiging jelly ace ako!

"You never fail to amuse me" Titig na titig sya sa mga mata ko. Sabay sabi "Girlfriend"

Hinampas ko ang braso 'nya. Kenekeleg kese eke eyy!

The Lost AngelOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz