Angel 2

2.3K 34 3
                                    

Halos mag gabi na. Hindi ko naman pinoproblema ang gutom at uhaw kasi hindi ko naman raw yun mararamdan habang ganito pa ako. May pinakain kasi si Pedra sakin. Hindi ko naman alam ano yun eh. Pero nakakaramdam talaga ako ng pagod. Hingal na hingal na ako. Gusto ko ng magbihis. Yung pakpak ko tinanggal ni Pedra sagabal daw. Buti at na-sense nya yun.

May napansin akong jeep. Sumakay ako don, good! Yung nanay lang at ang anak ang pasahero. Nandito na naman ang alaga ni Lucy? Sadyang china-challenge talaga ako ni Lucy. Pero malakas ang fighting spirit ko no.

"UWAAAAAHHHH! MAMA!"

Iyak ng bata nang takutin ng alaga ni Lucy ang bata. Sus juskopo ang sakit sa tenga!

Pumunta ako sa harap ng bata at pinapatawa ito. Hahawakan ko na sana ang pisngi nya pero nakalimutan ko. Hindi pala ako nakakahawak. Parang multo lang ang peg ko. Waaaaa! Kainis nito!

Nang mag stop ang jeep bumaba na ako. Naawa lang kasi ako sa bata kaya mas maganda kong di ko yun makita.

Naglakad-lakad lang ako, hindi ko alam kung san papunta. Gaga to si Pedra, hindi na ako binalikan! Nag-ala Demi Explorer ako dito sa daan nang may mapansin akong isang Private subdivision.

Pumasok ako doon. Medyo familiar sakin ang lugar pero yaan nyo na, I need shelter. Shelter the Homeless nga, diba?

"718"

Pagbanggit ko sa numero ng bahay. Sobrang ganda. Pero hindi yung bahay ang maganda pati yung may-ari.

O.O GWAPO! May lumabas na gwapo dun. Naka-leather jacket pa. Ang gwapo! Waaaa! Nawala lahat ng pagod ko nang makita ko sya. Pumasok sya sa kotse nya. Waaaa gwapo.

Dahil gwapo sya, ang bahay nya ang napili ko munang pag-stay-han. Natural lumusot ako! Grabe! Ang ganda! Black and white sya pero cool ang dating. Sya lang mag-isa dito? Ang tahimik. Dahil naramdan ko na naman ang pagod, humiga ako sa sofa. Sa wakas! Makapagpahinga na ako. Hindi man lang ako dinalaw ni Pedra. Bukas ko na yan proproblemahin.

----

"umm-aray! Sus natutulog yung tao"

Nagising ako nang may maramdaman akong kakaiba sa katawan ko. Ang init tapos mabigat. Empyerno na ba to o ano?

"shhh"

O.O ANO yun?!

Babangon sana ako nang makita ko ang gwapong lalaki . Nakapatong sya sakin habang inaamoy-amoy ang leeg ko.

PANO NANGYARI TO?! Nagfre-freak out na ako rito! This can't be happening! Ang sama ng panaginip ko!

Nakikita nya ako? Nahahawakan nya ako? Nahahawakan ko sya? Waaaaa! Hindi!

Tinulak ko sya at tumakbo ako. Sa hagdanan nalang ang paraan ko. Okay kalma ka lang Demi, wala lang yan. Masamang bangungot lang yan, pagod ka.

"hey babe! We're not yet done!"

Sigaw nya. Bahala sya sa buhay nya, bangongot naman oh! Kasi naman nakalimutan ko mag-pray kanina dahil sa pagod. Jusko ko po, patawarin nyo ako!

"PEDRA!"

Babe? So nakikita nya talaga ako? Waaaaa! Mama! Baka ma-rape ako nito at hindi na makapasok sa heaven! E susumpa ko talaga ang nilalang na to.

Tumakbo ako hanggang sa macorner na nya ako. Putek bakit ako dito tumakbo? Ang bobo mo naman Demitrix! Papalapit sya. Naka smile pa. Sya yung gwapo kanina pero hindi kai-

"where are you going? You're teasing me babe"

Sasagot na sana ako ng maramdam ko ang labi nya sa leeg ko! Waaaa! Rape! Rape! Rape! Tinulak ko sya at tumakbo ako sa isang kwarto. Lumusot lang ako dun. Ni-lock ko patalaga, nang mapanatag na ang loob ko, chi-nek ko ang sarili ko. Gusot na ang sleeve. Pumunta ako sa harap ng salamin. Waaaaa! Hindi na ako anghel sa lagay na to eh! Para akong na-rape. Magulo na ang buhok ko. Amoy alak pa ang leeg ko. Waaaa bastos talaga ang gwapong lalaki na yun.

The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon