Angel 18

970 19 14
                                    

Inayos ko na ang shoe lace ko at pilit huminga ng malalim bago lumabas ng cubicle.

"Inagawan ba naman tayo ng spot light?! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa babaeng yan!"

"pwede ba?! Chill ka lang? Also me! Kapag makita ko ang babaeng yan bubuhusan ko sya ng tubig!"

"I will kill that bitch! Inagaw ba naman satin ang lahat?!"

Bigla akong nanginig sa mga narinig ko. Grabi naman ang galit nila sa babae, tsaka kawawa naman. Ano kaya ang ginawa sa kanila ng babae at grabi ang galit nila?

Inayos ko nalang ang suot ko at lumabas ng cubicle, kaylangna ko palang e congratulate si Clauss. Grabi ang galing nya kanina, pag sigaw ko lumingon pa sya saakin akala ko hindi masho-shoot.

Nakita ko ang dalawang babae na matalim ang tingin saakin. Sila yung mga secret agent.

"You!"

Sigaw saakin ng may maitim na mahabang buhok. Lumingon naman ako sa likod ko baka kasi hindi ako, oh diba? Mapapahiya ako.

"me?"

Turo ko sa sarili ko kasi wala naman akong nakita na tao sa loob maliban sa aming apat.

"Girls. Hawakan sya"

Maarteng utos nung babae. Nagulat ako kasi bigla naman akong hinawakan nung dalawang babae sa braso ko.

"ano ba?! Kung natatakot kayo na sabihin ko ang mga naririnig ko, wag kayong mag-alala hindi ko kayo isusumbong. Tsaka, kung may galit kayo sa babae, wag naman saakin e buntong!"

Sabi ko sa kanila. Bigla naman silang napatigil at biglang natawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Isa nalang talaga at mapagkakamalan ko na silang baliw eh.

"ang tanga mo talaga. Hindi namin alam kung ano ang pinakain mo kay Clauss at nagkaganyan sya sayo!"

Sabi nung mahaba ang buhok.

"Siguro ginayuma mo sya no?!"

Sabi naman nitong medyo mahaba at kulot na buhok.

"GINAYUMA MO SYA NO?!"

Sabay nilang sigaw. Hinila naman nung mala-dora na bohok ang buhok ko. Si Clauss pala ang dahilan.

"ano ba masakit!"

Sigaw ko at pilit kumakawala sa hawak nila. Sigaw pa rin ako ng sigaw pero parang pinagtutulungan nila ako. Ayaw kong gumanti, ayaw kong makasakit kaya pinabayaan ko nalang sila.

"at para perfect, paliliguan kita kasi para ka naming sisiw, gawin nating basang sisiw"

Nagtawanan sila. Tinignan ko nalang sila ng matalim. Kinuha nung mahabang buhok ang isang balde at nilagyan ng tubig. Bigla nya naman itong binuhos sa akin na para akong isang lantang halaman.

"simula nang dumating ka dito, nagulo na ang lahat eh"

Sabi nung may mahabang buhok at bigla nya akong sinampal. Napapikit nalang ako sa ginawa nya.

"pati ba naman si Blue? Aagawin mo?"

Kagaya nung isa, sinampal nya rin ako. Pinigilan ko ang hikbi ko at kinagat ang ibabang labi.

"kung may plano kang mag sumbong kay Clauss, wag mo nanag ituloy. Hindi mo pa kami kilala"

At bigla nyang hinila ang buhok ko kasabay nun ay ang pag-upo ko sa malamig na sahig.

"paano kaya pag nalaman nila na isa kang angehel?"

Bigla akong napalingon sa may mahabang buhok na itim. Magsasalita pa sana ako pero sinaraduhan nila ako ng pintuan. Kahit masakit ang katawan ko ay tumayo pa rin ako, pinigilan ko ang sarili ko na huwag maiyak, sobrang basa ng damit ko, buti nalang at hindi gaano basa yung skirt. Inayos ko ang buhok ko at lumabas ng CR.

The Lost AngelWhere stories live. Discover now