Angel 24

1K 18 0
                                    

"Hoy. Retard? Wake up!"

Ramdam na ramdam  ko talaga ang mahinang tapik ni Clauss sa pisngi ko. Swerte ng pisngi ko. Agad kong minulat ang magaganda kong mata at tumambad saakin ang gwapong mukha--na nayon ko lang na realize na tutok na tutuk ako sa kanya.

"Why are you smiling like that?"

Bigla akong natauhan at napatayo. What the heck? Grabe talaga ang tama ko kay grumpy! Ano ba yan! Nasabihan lang na mahal na kandatanga-tanga na ako sa kanya. Demi hii ganyan ang mga dyosa!

"Wala! Feeling mo naman ang gwapo mo!"

Singhal ko sa harapan nya para maitago ko ang hiya at nag-transform akong flash kaya aga akong nakalabas sa kotse nya. Nakakahiya ako!

Natanaw ko naman ang magjojowa na nakatayo sa may lobby nitong Hotel. Aba! Akala ko sa tent na naman kami matutulog. Nakakasira kaya yun ng beauty. Ang dyosang katulad ko ay dapat sa malambot na kama natutulog.

"'Bat kapa nakatayo jan? Hinihintay mo 'ko 'no?"

Mapang-asar na sabi saakin ni Clauss. Makikita talaga nitong unggoy nato kung paano magalit ang isang Dyosa! Hmp!

"Anong hinihintay? Ano ka? Chix? Akala mo naman ang gwapo-gwapo! Jan ka na nga! Bwisit!"

Sabi ko at mabilis na naglakad. Ayaw kong malapit sa grumpy na yun. Ang dyosang anghel na katulad ko ay hindi dapat mahulog sa isang mortal na tao lamang. Pero sabi 'nya mahal nya rin ako--pero whaaaaa!!! Ewan!

Pero mahal ka nga nya. Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Pedra. Tumahimik ka nga! Letchugas nito!

"Oyy. Buti't gising ka na. Akala ko habambuhay kana 'don. HAHAHAH"

Sabi ni Rio at napaharap sila saakin. Pinanliitan ko nalang ng mata si Rio.

"Bakit? Nasaakin ba ang susi ng hotel na 'to?"

Pambara ko sabay irap. Natawa naman sila 'don. Mga bwisit rin ang mga 'to eh!

"Oh! Nandito na rin pala ang patay na patay kay Demi eh!"

Kantsaw naman nila Keana nang dumating ang timawa. Buhay pa pala to? Akala ko natamaan na ng kidlat. Tss.

"Oy oy oy! Ano meron dito? Bakit nagkakailangan? Ha? Ano meron?"

"Tumahimik ka nga Clyde! Di nakakatawa!"

Sigaw ko at nagtawanan lang sila. Humugot na nga ako kanina na di kami pwede ni grumpy kasi nga anghel ako. Mahirap ba intindihin? Okay i-english ko nalang. Me and Clauss--me and Clauss... Tsk wag na nga wala ako s mood.

Habang inaasikaso nila Keana ang mga rooms namin. Pasimple naman akong umalis at lumabas. Maghihit-hit lang sandali nang makalimutan si Grumpy, di joke lang mag-dradrama lang sandali.

Paano ko maiiwasan si Clauss kung ganito lagi ang kalagayan namin diba? Kung sana hindi kami pariha ng nararamdaman edi sana kaya ko pang mag move on. Nakakainis bakit nya pa kasi sinabi saakin na mahal nya ako!

"Haha ang tanga ko"

Tawa ko sabay punas ng luha ko na nagsimula ng lumabas sa mata ko. Parang baliw lang.

Sobrang mahal ko sya at nasasaktan ako para sa kanya. Paano kung mahulog na sya ng tuluyan saakin? Aalis ako. Maiiwan syang mag-isa. Hindi ako karapatdapat sa kanya, kasi iiwan ko rin sya at ayaw kong maranasan nya yun dahil naranasan na nya yun kay Jestill at nag dulot ito ng galit sa puso nya. Ayaw kong kamuhian nya ako ng sobra.

"Demi? Are you alright?"

Bilis kong pinunasan ang luha ko nang marinig ko ang boses ni Keana.

"O-oo. Okay lang ako medyo napuw--"

The Lost AngelWhere stories live. Discover now