Angel 32

893 17 10
                                    

"Bakit ba ang tagal ni Bianca?"

Tinignan ko ang kamay ko at sakto! Parang coke! Pangsampu ng sabi ni Clauss yan! Kung nabibili lang yung tanong 'nya may coke na sana ako ngayon.

"Bakit ba natin hinihinatay si Bianca?" Tumingin ako sa mga katabi ko na panay kusmot ang mukha.

"Nasa kanya ba sila inay at itay?"

Tumingin ng matalim saakin si Keana. Akala 'nya naman matatakot 'nya ako sa ganyan 'nya.

"Hello? Siya kaya ang makapagtuturo satin kung nasaan ang magulang mo!"

Ah. Ganun pala? At biglang may light feather sa ulo ko.

"Bakit hindi nalang natin tanungin si Dora?"

Silence.

"BWUAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHHAAH!!!!!"

Hindi ko alam bakit tumatawa yung apat habang ito namang katabi ko ay nagra-right minus wrong na naman ang kilay.

"Oh. Nanjan ka na pala Biancs" Sabi ko nang makita 'syang dumating. At nagdala pa ng Tulips. "Oh? Nagkita na ba kayo ni Dora?"

"Ha? Anong Dora?"

Pumagitna naman saamin ni Clauss. Kahit kailan talaga ang isang 'to 'no? Panay agaw-eksena! Nakakainis!

"Don't mind her. Let's go. Naiinip na ako kahihintay"

Cold 'nyang sabi at naunang naglakad saamin. Tss. Akala 'nya naman ikaka-gwapo 'nya.

"Jarra. Anong day today?"

Tumingin 'sya saakin na may halong pagtataka.

"Uhh. Thursday?"

"Hindi ka sigurado sa sagot mo?"

Inismiran lang ako ng gaga. Kakainis! May regla ba sila ngayon?

~*~

Sinundan lang namin ang sasakyan ni Rio dahil doon nakasakay si Bianca. Sabi naman ni Bianca kalahating oras lang ang byahe kaya ito ako ngayon.

"Retard. Can you stop that?"

Lumingun naman ako kay Clauss habang nagda-drive.

"Stop what?"

Tanong ko habang nakangiti pa rin. Ngiting aso.

"Ugh! Okay! Shut up."

Napakunot ang noo ko. Nababaliw na ba 'to? Bigla-bigla nalang sisigaw. Timang lang oyy!

"If you forgive the unforgiven, you'll shot the ball"

Napansin naman ang pagkunot ng noo nya. Di 'nya maintindihan ang english ko hanep eh. Hhahaha

"Eh nandito na agad tayo?"

Tanong ko. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito.

"Biancs, saan yung bahay dito. Bakit tayo nasa--'wag mong sabihin saakin na--"

"Oo. Patay na sila"

"--nagtitinda sila ng kandila dito?--ANO?!! HINDI SILA NAGTITINDA NG KANDILA DITO DAHIL PATAY NA SILA?!"

Nagulantang ang katawan ko. Yung balikat ko bumigat at pati yung paghinga ko. Nawala yung ngiti ko sa labi. Nanuyo na rin ang lalamunan ko at unting-unti nagbalik ang mga araw nung buhay pa sila. Hindi ko alam kung bakit bigla ko silang naalala eh hindi na naman ako nakakaalala.

Hindi eh. Hindi.

"Babe, come here"

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi na rin ako nakatanaw sa kanila. Ang nakikita ko nalang ay ang luha ko na pumapatak sa lupa. Ramdam ko rin yakap ni Clauss saakin pero hindi ko maigalaw kahit kamay ko. Hindi ako makahikbi. Tuloy pa rin ang agos ng mga luha ko. Para akong isang lantang halaman.

The Lost AngelWhere stories live. Discover now