Angel 13

1.1K 19 17
                                    

Nakaupo kami ngayon dito sa may cafeteria ng high school dep. Medyo kunti lang pala ang mga estudyante dito, kung bibilangin. Dalawang classroom lang ang nandito bawat year level at 20 lang kayo sa isang room. Hayy na-miss ko na naman maging high school.

Panay lang ako lingon-lingon kasi kaharap ko ang grumpy na to at naiinis ako sa pagmumukha nya kasi ang panget nya!

"Guys, may free carbonara tayoooo~!"

Kanta ni Jarra habang dala-dala ng dalawang lalaki ang order namin. Napatingin naman ako sa mga dala nila, halos carbonara nga.

"wow! lakas talaga ng pagiging Legacy natin!"

Sigaw naman ni Keana na parang takam na takam.

"oo nga eh, remember. Nung high school tayo, palagi tayong my free carbonara"

Sabi naman ni Clydell habang nilalapag ang mga pagkain.

"sarap bumalik dito HAHAHAH"

Tawa naman ni Rio.

Bigla naman akong napatingin sa kanila. Alam nyo yung word na "out of place"? ako yun eh. kumunot ang noo ko na parang nagso-solve ng math. Legacy? Bakit?

"aray! Ano ba?!"

Bulyaw ko sa kaharap ko. Bwiset sya eh! binato nya kasi saakin ang isang crumpled paper. Kita nyo na? papansin no? Alam ko naman na type nya ako eh. maliit na bagay.

"retard"

Bulong nya bago sya tumayo at umalis sa pwesto namin. Ang-ahhh! Bwiset talaga sya!

"oh, Demi. Para mawala yang kunot ng noo mo"

Bigay saakin ni Keana sa isang plato ng Carbonara. Bigla naman silang natawa.

"haayyy naku Demi, may gusto ang Clauss na yan sayo. Hindi lang nya magawang sabihin, pero mainwala ka saakin."

Sabi naman ni Cydell na parang inaasar talaga ako. Lumingun ako sa pwesto ni Clauss, may kausap sya na isang petite na babae sa may isang table. Tamo?! Ayaw nya akong payagan na sumama kay Blue tapos sya itong lumalandi?! Unfair yun! Nakakainis na talaga sya, yung babae naman nka cling sa braso nya. Ang sarap nilang pag-untugin! Isa nalang talaga at ma-

"hoy Dems!"

I snapped back to reality. Tumingin sila saakin na naka-nganga. Tinignan ko sila ng bakit?-anong-meron? Look. Nalipat naman ang tingin nila sa hawak ko na coke na naka-can.

The heck! Pati galit ko? Napunta dito? Eh kasi na bwi-bwiset ako sa grumpy na rapist na yan! Pati bata pinapatos nya!

"nagseselos ka ba?"

Bigla naman akong napatayo at tinuro bigla ang sarili ko.

"ako?! Isang dyosa? Magseselos sa rapist, manyak, kissing monster, grumpy na yan? Hindi ba kayo kinikilabutan ja?!"

Deretso kong sigaw sa kanila. Napansin ko naman na nakatingin yung mga tao sa akin pero ang Clauss at ang babaeng yun hindi natinag. Kita nyo?!

"umupo ka nga jan, Demi"

Hila saakin ni Jarra paupo uli sa tabi nya.

"Hindi nga nagseselos pero kung makasigaw"

Sabi naman saakin ni Rio. Hinarap ko sya at tinaasan ng kilay.

"Hindi nga ako nagseselos! Naaawa lang ako kasi pati bata pinapatos nya. Yun lang!"

"wag kang mag-alala. Yang kasama ni Claussy ay kapatid yan ni Jestill."

Sabi naman ni Keana habang nilalaro ang yelo sa baso nya.

Kapatid daw-Jestill? Wait, saan ko ba narinig yan? Ah, oo nga pala.

The Lost AngelWhere stories live. Discover now