Angel 35

1.1K 22 8
                                    

Inuwi ako nila mama sa bahay nila. Bahay namin. Hindi ko pa rin alam kung paano i-explain sa kanila.

"Anak, kanina ka pa balisa. Is there something bothering you?"

Tanong ni mama habang inaayos 'nya ang higaan ko. Napansin naman 'yun ni papa kaya lumapit 'sya saamin.

"May bumabagabag ba sa aking prinsesa? Speak. Dad will listen."

Nilalaro ko ang mga kuku ko dahil ayaw ko silang saktan. Napaiyak na naman ako. Hindi ko sila kayang gulatin pero wala na akong choice eh. Kung patatagalin ko pa, mas lalo silang masasaktan.

"Ma Pa. patay na po ako"

Nagulat sila doon pero hinaplos nila ang mukha ko.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

Pinuasan ko ang luha ko at huminga ng malalim.

"Namatay po ako sa isang plane crash. Bumalik ako dito sa lupa at nag-anyong tao dahil hindi ako makakapasok sa langit dahil hinahanap pa ako ng aking tunay na magulang. At kayo 'yun"

Napansin ko na lumuha na rin sila at napatakip ng bibig si mama.

"So totoo nga ang sinabi ng aking P.I. patay ka na nga. Pero, pwede bang dito ka muna?"

Niyakap ko sila at umiyak ako.

"Hindi ko alam kung kailan pa ako mananatili dito"

Isang oras din kaming nag-iyakan. Sabi nila saakin na susulitin nila ang oras na kasama ako. Pati sa pagtulog ay katabi nila ako.

~*~

"Babe..." Ramdam ko ang yakap ni Clauss sa likuran ko. Napa-smile nalang ako doon. "Akala ko iniwan mo na ako"

Lumingon ako sa kanya at hinampas 'sya. Bwesit! Hindi ko nga 'yun inisip eh kasi naiiyak ako!

"Ano ka ba! Hindi ko kaya. Nga pala. Ano ng nangyari kay Tita at Jestill?"

Umupo kami dito sa garden ng bahay namin.

"Ayun. medyo tanggap na ni mama ang mga nangyari. Nagkakaliwanagan na rin sila ni Jestill."

Tumango nalamang ako bilang sagot. Napansin kong titig na titig si Clauss saakin. Hinaplos 'nya ang pisngi ko at dahan dahan 'nyang nilapit ang mukha 'nya saakin.

Alam ko kung saan ito pupunta kaya napapikit ako. Ramdam ko ang malambot 'nyang labi sa labi ko. He move swiftly na para bang ninanamnam nya ang labi ko.

"Hello---whaaaa! Ano ba yan PDA!"

Halos itulak ko na sa upuan si Clauss dahilsa sigaw na yun. Inyeta! Sino ba yun! Alam 'nya naman na nagmo-moment kami ni Clauss. Sayang! Malapit ko ng ma-rape ang lips ni Clauss yamyam!

"What the fvck Keana! Ano bang ginagawa mo dito at sinama mo pa ang dalawang ugok na yan?"

Tukoy ni Cluass kay Rio at Clyde. Namula ako dito grabe di ko keri!

"Hoy gago ka ah? Sinong ugok!?"

Sigaw ni Rio.

"Syempre tayo!"

Proud naman na sabi ni Clydell kaya binatokan 'sya ni Keana.

"Oyy Clauss. Ikaw kapatid ha iniisa-isa mo na yang si Sister-in-law ko!"

Kanstaw naman sa bagong dating na si jestill kasama si Jarra na may dalang karon ng cake.

"Ano ba kasi ang ipinunta 'nyo dito?"

Galit na sigaw ni Clauss. Ito na naman 'sya. Eh kasi naudlot yung labing-labing namin kaya manda kayo.

"Edi magsi-celebrate tayo!"

The Lost AngelWhere stories live. Discover now