Angel 33

901 15 7
                                    

"Ma? A-anong sabi mo? Hindi kita maintindihan? Ano? May sakit ba si Demi? Ano ma?" Nataranta akong lumapit kay mommy at basta nalang 'nya akong niyakap. "Ma? Ano ba?!"

Nabigla ako nang makita ko sila Bianca sa harapan ng pinto. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

"Son..."

Napapunas ako ng mukha. Hindi ko mabasa ang nasa utak ni mama. I don't know why she's acting like that.

"Ma?! Ano ba?! Bakit ka ganyan?!"

Pinunsana 'nya ang mukha 'nya at humarap saakin. umiiling-iling ako habang tinitignan 'sya. I don't really get her!

"Hiwalayan mo na si Demi" Tapos humarap 'sya kay Demi na mahimbing na natutulog. "Bukas na bukas, iwan mo na 'sya"

Literal akong napanganga sa sinabi ni mama. I thought we're okay? Bakit ko hihiwalayan ang babaeng nakapagbalik sa aking mga ngiti? Ang babae na nagbigay ulit saakin ng buhay?

I just shook my head and step backward. Why the hell?!

"Guys. Iwan na muna natin sila"

Sabi ni Keana sa kanila. Paglabas naman nila ay saktong humarap si Mama kay Demi at umiyak na naman ito. Ano ba ng meron kay Demi at kay mama?

"Ma?! Ano ba?!"

Sumigaw na ako pero hindi ito gaano kalakas baka kasi magising si Demi. Sobrang frustrated na ako.

"Anak... Kapatid mo si Demi. Kapatid mo 'sya. Yung birthmark 'nya. Siya ang kapatid mo!"

Bigla akong napatumba sa narinig ko. Tila ba nag-uunahan sa pag-agos ang mga luha ko. Nablanko ang pag-iisip o at napaiyak ako sa mga alala na pinagsamahan namin ni Demi. Ang tawa 'nya ang mga ngiti sa labi. Ang babaeng mahal ko. Siya ang kapatid ko?! What the fvck?!

"No ma... no! You're lying!"

Sinuntok ko ang sahig at mas masakit yung naramdamn kong kirot sa puso ko kesa sa dumudugong kamao ko. Hindi ko kayang makita 'sya. Hindi ko kaya na makita ko ang pinakamamahal kong babae ay kapatid ko. Bakit lagi nalang?!

I glare at mom at umalis sa harapan 'nya ngunit bago ako lumabas ay tumingin ako kay Demi. Damn this feeling!

Demi's POV

Bigla akong napadilat. Ano ba ang nangyari? Ayy oo nga pala, nahimatay ako sa sementeryo. Haay. Ito na naman ako nalulungkot. Wala na ata akong pag-asa na makilala ang tunay ko na magulang.

"Hija!" Nagulat ako sa sigaw ng mama ni Clauss. Ang weird 'nya ah? "Anak... Gising ka na pala"

Ang weird talaga. Tsaka wala yata ang hilaw ngayon? Nasaan kaya 'sya? Siguro naglalandi na naman sa Binaca na yun! Kuuuu!! Kukutusan ko yun!

"Ahh. Tita, nasaan si Clauss? Nga pala, salamat sa pag-alaga."

Lumapit 'sya saakin at hinaplos ang mukha ko. Nagsitayuan ang balahibo ko sa di malamang dahilan. Char. Pero seryoso, nababaguhan ako sa mama ni Clauss. Di kaya sinapian na 'to? Haay. Juskopo!

"Tungkulin ko yun bilang ina mo"

Napadilat ako at napalunok. Naka-smile pa rin ako. Narinig ko yung sinabi 'nya pero hindi kayang I absorb ng brain ko. Maliit kasi si brain. Hehe.

"Ano po?"

Tanong ko. Pero umiwas lang si tita ng tingin.

"wala. sige, bumaba ka na at kumain. Babalik na tayo sa Maynila"

Weird man pero bumaba na ako. Nakita ko si Clauss at umiwas 'sya ng tingin. Ano na naman kaya ang nagyari sa kanya? Bipolar talaga. Yung lima naman tahimik. Teka nga! Diba dapat ako yung magluksa? Bakit sila? Sabagay, mga inggetera at inggetero kasi nakikibagay saakin.

"Biyernes Santo na ba?"

Tanong ko pero hindi sila natawa. Bagkus ay ngumisi saakin si Tita at ang weird eh! Siya ang naglagay ng kanin ko at nagtimpla 'sya ng gatas para saakin. she's acting like a mom to me. Ang excited 'nya naman hindi pa naman kami kinasal ni Clauss. Siguro practice lang si tita ngayon.

Kumain nalang ako kahit sobrang weird nila ngayon. Nang matapos akong kumain ay iniwan ko sila sa kusina. Nakakatakot na ang katahimikan nila, nahihiya ang tenga ko kaya nag tago. Nag-impake na rin ako at ready to go na si Dora 'nyo. Kaya lang nakalimutan ko si Boots-este-si Clauss pala. Mahanap nga ang boyfie kong hilaw!

"Hi Boyfie! Anong atin?!"

Masigla kong sabi pero tinapunan 'nya ako ng masamang tingin. Nasaktan ako doon pero wala lang ako. Nakita ko ang lungkot sa mata 'nya. Niregla siguro. Sanay na ako sa kasungitan 'nya pero iba ngayon eh.

"Hoy! Mag regla ka ba?!" Niyakap ko 'sya ngunit nabigla ako dahil tinulak 'nya ako palayo. "Clauss!"

Napasigaw na talaga ako. Ano bang problema 'nya ha?! Ang sakit 'nya sa split ends ko! Nakakairita na! sobra na 'sya!

"Pwede ba?! Lubayan mo nga ako?!"

Pinigilan ko ang luha ko na lumabas. Ano bang problema 'nya?! Hindi ba't inaasikaso 'nya ako ngayon dahil nagluluksa ako?

"Ano bang problema? Nagkasala ba ako? Ha? May hindi ka ba nagustuhan ngayon? Ano? Pumangit na ba ako?! Anong problema Clauss!? Mahal mo na ba si Bianca?! Hi--" Hindi ko matuloy. Natatakot ako. "Hihiwalayan mo na ba ako?"

Hindi 'sya umimik. Dinig ko ang malakas na pintig ng puso ko. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko.

"Ano bang problema?!" Sigaw ko pa. "Magsalita ka naman Clauss!"

"Ikaw!"

Napaurong ang dila ko. Umiwas 'sya ng tingin at tumalikod saakin. hindi ko na napigilan ang mga luha ko na umagos. Hindi ko 'sya maintindihan. Ako ang problema 'nya? Bakit?

"Clauss naman. 'wag naman gan--"

"Pwede ba?! Tigilan mo na ako?! Hindi tayo pwede dahil magkapatid tayo!"

Ha?

"CLAUSS!"

Napalingon ako sa sumigaw sa may likod. Si Tita. Unti-unting nabubuo sa isip ko ang mga ideya na hindi ko kayang paniwalaan. Hindi eh.

Lumapit si Tita at pinandilatan si Clauss.

"Wag mong sigawan ang kapatid mo!"

Hindi. Mali. Please. Pedra, gisingin mo ako please.

"Sorry girl, nasa mission pa ako. Hintayin mo nalang ang portal. Waiiiit! Nandito na ako, sige girl iwan na kita"

Pati si Pedra, iniwan ako. Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Clauss.

"Tell me ma. Ilang babae ba ang kinama ni papa? Bakit pa ti magulang ni demi kinama 'nya?!"

Nagulat ako dahil walang pag-alinlangan 'syang sinampal ni tita. Hindi ko na alam ang gagawin ko at umiyak nalang ako. Sobrang daming ala-ala ang pumasok sa isip ko. Hindi ko na kaya!

"Wag mong pagsalitaan ng ganyan ang papa mo! Bakit?! Hindi mo ba tanggap na kapatid mo si Demi?!"

Napahawak ako sa bibig ko. Kapatid ko nga si Clauss? Hindi ko na kayang marinig ang sigawan nila at tumakbo ako pabalik ng kwarto. Umiyak lang ako ng umiyak. Bakit si Clauss pa? bakit?

"Dems"

Nakita ko si Keana at inambahan 'nya ako ng yakap.

"Gusto ko ng bumalik. Please, doon na muna ako sa inyo" Humarap ako sa kanya at pati 'sya ay naiyak na. "Hindi ko pa kayang makita sila, please"

----

Magsalita kayo jaaan! Ano na?! HAHAHHAHA XD

-Ate Bless na may regla XD

The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon