Angel 36

1.2K 26 3
                                    

After 2 years...

"Clauss! Ano ba yang mukha mo?! Magpalit ka na jan dahil aalis na tayo"

Isang simpleng tango lang ang sinagot ko kay Keana. Aalis? Boring lang din naman.

Dalawang taon na ang lumipas simula nang umalis si Demi. Ilang lingo rin kaming nagluksa. Halos mamatay na sila Tita Jeorge dahil hindi nila matanggap. At sa loob ng dalawang taon na yan ay ako lang ata ang hindi nakapag-move on. Ang hirap pa rin.

Napahawak ako sa bracelet na nasa kamay ko at napangisi ng mapaet. Bigay pa ito ni Demi noon.

Siguro kailangan ko na ring mag move on.

Haha. This is bllsht you know? Moving on? Para ko na rin atang kinakain ang sarili ko.

Nagpalit ako ng damit at kinuha ang susi ng kotse ko. Kaka-graduate lang namin at isang foam party ang magaganap mamaya. Kung nandito ka lang sana, Demi. I sighed. I damn miss her so much.

Sobrang ingay na ng quadrangle ng dumating ako. Almost of the girls want me to dance with them, but sorry, I only dance with one person.

Nakita ko sila Keana na sobra ng basa dahil sa foam. Wet and wild na nga sila. May live band din sa stage. May dedication booth din kung saan ipo-post sa malaking projector sa ibabaw ng stage. Ang saya nila. Pero hindi ko kayang magsaya.

"Claussy! Ano ka ba!" Hinila ako ni Jarra at nabasa na rin ako. "Hindi gusto ni Demi ang magmokmok ka jan!"

Pumunta na rin sa pwesto ko sila Rio at Clydell. Habang dumadami kami ay nawala yung sakit sa dibdib ko. Tama nga. Baka malungkot si Demi kapag malungkot ako. Retard pa naman yun.

Habang sayaw ako ng sayaw at sobrang basa ko ay nahagip ng mata ko ang isang familiar na pigura.

"Demi?"

Sambit ko. hindi nila napansin ni Keana ang sambit ko kaya um-exit ako. Sinundan ko yung babae. Yung buhok, yung pananamit, yung lakad, yung katawan.

"Demi! Sandali!"

Hinawakan ko ang kamay 'nya at isang suntok ang natanggap ko. What was that? Nanununtok na ba si Demi? Oh God, nahawa na ako sa kabobohan 'nya.

"Dude! Anong ginagawa mo sa girlfriend ko?!" Napalingon ako sa babae. Hindi 'sya si Demi.

Tumayo ako at pinagpag ang sarili. Tumingin ako sandali sa babae.

"Sorry"

Sabi ko at umalis. Napailing ako. Grabe na ang tama ko kay Demi. Mukhang nalasing ako sa bubbles kanina.

Habang naglalakd ako pabalik kila Keana ay napansin ko ang nakasulat sa tela doon sa projector. Yung dedication doon.

My dearest grumpy,

Kahit kailan ang tanga mo pa rin.

-The Lost Angel

Iniling ko nalang ang ulo ko. alam kong hindi ako yan.

Nagflash na naman yung screen.

Hoy grmpy! Aba! Binabaliwala mo ako ah?

-The Lost Angel

Napakunot ang nook o. hindi. 'wag kang magpaniwala jan. I don't want another punch dahil lang sa maling akala ko.

Ano ba yan grumpy! Hanapin mo ako. Nakakinis ka ng hilaw ka!

-The Lost Angel

Isang ngiti ang sumilay sa labi ko kahit alam kong imposible. Sobrang wild na ng mga tao dito na hatalang enjoy na enjoy sa foam party. Pero hindi ako titigil. Hinanap ko 'sya ng hinanap.

My heart is beating louder and louder. I knew she's here even thou it's impossible. God, please.

Halos takbuhan na akong bait. Paano ba mahahanap yun eh halos yung nakikita ko ay fluorescent sticks nalang. Bigla kasing nagpatay-sindi yung ilaw na sumasabay sa beat ng music.

Wait.

Fluorescent stick? Bigla akong nag adrenaline rush.

Ito nalang ang pag-asa.

Halos tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa nakita ko.

Nakita ko ang isang babae na may flourescent stick sa ulo 'nya, sa buhok, sa kamay, sa leeg, sa paa at sa bewang. Alam ko na 'sya ito. Sure na sure ako. Wala namang ibang tao na ganito ka tanga at halos gawin ng damit ang fluorescent stick.

"Oh? Salamat naman at na-gets mo yung letter ko. Alam mo ba na ang mahal nung bayad tap--"

Hindi ko na 'sya pinatapos. I claimed her lips. Sobrang na miss ko ang Retard na ito. Halos mawalan kami ng hininga sa ginawa namin. Thank you so much God!

Hindi ko alam kung saan magsisimula. Kung ano ang sasabihin.

"Paano? Ano?"

Ngumiti si Demi at tumingin sa likod ko kung nasaan si Keana at ang ibang baliw na kumakway saamin.

"Si Keana. Nag-wish 'sya na sana magkaruon ako ng reincarnation at maalala kita. Galing pa ako sa ampunan kahapon at kinuha ako nila mama. Sabi ko wag maingay sayo"

Oo nga napansin ko na may lunal 'sya malapit sa labi 'nya. Wala nito si Demi noon. But I don't care.

"Sabi ko naman sayo eh. Babalik ako"

I hugged her tight. Namiss ko 'sya lalo.

"I missed you, Retard"

"Hmp! Namiss rin kita, grumpy"

And I kissed her again and again and again.

Hindi ko alam kung bakit ako ang nakahalik sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-daming babae sa isang retard pa ako mai-inlove. Hindi ko alam. Bsata isa lang ang masasabi ko. I really really love this Lost Angel and we will make our happy endings.

------

Lah? Matatapos na pala? My God! Hindi ko man lang yun napansin XD

SALAMAT AT MAHAL KO KAYO MGA ANGEEEEEELLLSSSS!!! MWUAH!

-Ate Bless

The Lost AngelWhere stories live. Discover now