Angel 6

1.5K 27 5
                                    

"oh, ito?"

Napalingon naman sya saakin. Naksout na ako ng isang kulay baby blue na dress na above the knee.

"umm, that's fine. Nagmukha ka na ring tao"

Sabi nya sabay alis sa harapan ko. Pangatlong sout ko na siguro to ng damit at dito lang sya nakuntento. Mukhang tao? Kung hindi lang malaki ang utang na loob ang meron ako para sa kanya, tinaga ko na yan e.

"o? tapos? Anong gagawin ko?"

Napalingon naman sya saakin na magkasalubong ang mga kilay. Bakit ba ang sungit-sungit nya?! Nagtatanong lang naman ah!

"wag mo akong tanungin, hindi ako babae. Ito pala, pinabibigay ni Keana. After mo jan, bumaba ka na. We still have 1hour para puntahan sila Keana sa resto"

Diridiritso nyang sabi. Hindi man lang ako pinagsalit? Ang sungit nya talaga nakakaasar!

Kinalkal ko kung anong laman ng paper bag na binigay saakin ni Keana. May mga jewelry, make up kit, perfume, headband, ponytails, powder, lipbalm, iba't-ibang brand ng relo at iba pang mga accessories at pampaganda.

Sila kasi Keana ang may ari ng pinakamalking clothing Line dito sa bansa. Lahat ng mga damit, sapatos, bags at mga gamit na ibinibigay nya saakin mga branded. Nakakahiya na nga, sakanya ko na inaasa lahat. Pati phone ko galing rin sa kanya.

Sinuklay ko lang ang nilugay kong buhok at nagsuot ng silver na headband. Nag-powder ako at naglagay ng kunting lipbalm. Nag-perfume na rin ako at kinuha ko ang royal blue na pouch.

Wow, mukhang tao na talaga ako. Isang dyosang maganda ang nakaharap ko.

"DEMI! WHERE THE FVCKING HELL ARE YOU?!"

Ayy, tinawag na ako ni Mr. S. I glanced at the length mirror. Ang ganada mo talaga Demi, mabait pa!

Bumaba na ako at nakita ko nama sya sa may labas na nka sandal sa black nyang ford. Nag shades pa talaga sya na nakadagdag ng kanyang pagkagwapo. He's wearing a white polo and a faded jeans. Ang gwapo-hala! Napanu kana Demi? Pinupuri mo ang masungit na yan?

"pshh. Ang tagal sa taas wala namang nagbago sa mukha"

Sabi nya habang naglalakd ako papuntang gate. Hindi ko nalang sya pinansin.

May isang motorbike na tumigil sa tapat ng bahay ni Clauss. Ang astig tignan kaya napatigil ako sa paglalakad. Tinanggal nya ang helmet nya-JESUS KO PO NA MAY POON PINAGPALA NG MAY KAPAL! BAKIT ANG GWAPO?! Natuyo ang lalamunan ko at napangiti sa nakita ko. Pinalilibutan ako ng mga gwapo.

"Claussious Morgan! Dude! Kumusta?"

Lumapit sya kay Clauss. Wait-Claussious? HAHAHA! Harry Potter? Claussious Malfoy? Tukneneng! Clauss? Pa-Clauss pa tapos-HAHAHAHAH! Pangmatanda!

Mas nahiya ako dahil tumatawa ako ng mag-isa rito at silang dalawa nakatingin saakin. Lumapit yung kaibigan ni Clauss saakin.

"Hi pretty girl. I'm Bluejie Vergara. Blue for short"

Naka-smile ako habang kaharap ang gwapong nilalang na to. Habang nag-shake hands kami nakatingin pa rin ako sa mala-greek nyang mukha. May ganitong mukha pa bas a panahong ito? A-

"She's mine. Don't you dare to flirt with her, Vergara"

Seryosong sabi ni Clauss kay Blue habang ako nasa likod ni Clauss. Oo nga pala, girlfriend nya pala ako -_-

"Are you serious? Remember Claussious, lahat ng dumadaan sayo bumabagsak saakin"

Hindi nya muna sinagot si Blue at humarap sya saakin.

"Demi, get inside the car"

Hindi ko sya pinansin at tinaasan ko lang sya ng kilay. Kitang ini-enjoy ko pa ang view dito.

"Brat"

Sabi nya tapos hinarap nya uli si Blue. Sungit nito.

"ikaw na nga may sabi, lahat ng dumadaan saakin bumabagsak sayo. Mga basura ko na yun Bluejie. Iba sya at wag mong subukang kunin sya saakin, ipapatapon kita sa empyerno"

Seryoso nya pa ring sabi kay Blue. Nagsmile lang si Blue sa kanya.

"just Kidding Clauss. Anyway, dumaan lang ako rito para ipasa sayo ang sched natin. Yan yung may subject na chika-babes ang mga teacher. Kasama na kay Keana riyan."

May inabot na papel si Blue kay Clauss.

"okay, ako na bahala. Siguraduhin nyo na magtitino kayo pag nasa-klase na. baka dahil sa inyo babagsak ako"

Tin-nap naman ni Blue ang balikat nya.

"don't worry pre. Ge, alis na ako. Good bye pretty girl"

Sabi ni Blue. Nag-smile sya saakin at ang puti ng mga ngipin nya.

"hoy"

Kung nakung nakakamaty lang siguro ang death glares kanina pa to pinaglamayan.

"may pa 'Clauss' kapang nalalaman. Claussious pala"

Pang-aasar ko. Nagsimula naman syang magmasungit-kaylan pa ba to hindi nagmasungit?

Tawa ako ng tawa banag naglalakad sa may likod nya.

"HAHAHAHAHAHAHA-ARAAAY!"

Muntik na akong madapa buti nalang at nahawakan ko ang gate. Tukneneng nito, hindi na kasi ako sanay mag lakad ng naka-stilettos na 4 inches. Alam nyo naman na nakayapak lang ako noon.

"HAHAHA!"

Tama ba yung narinig ko? Tumatawa si Clauss? TUMATAWA SI CLAUSS?!

Tumayo ako ng maayos at napangiti ako sa nakita ko. Namimilipit talaga sya sa kakatawa. Ang gwapo nya pala pag nakangiti-mas gumwapo.

Pumasok sya sa kotse nya at iniwan ako doon. Bumalik na naman sya sa kanyang sungit-mood. Okay lang basta napatawa ko sya. Pumasok na rin ako.

"so Kaylan ko lang palang saktan ang sarili ko para tumawa ka"

Hindi nalang sya nagsalita at umiiling na nag-smile. Ito na naman sya, nag-smile!

"magkaano ba kayo nung Blue nay un?"

Nakatingin pa rin sya sa daan.

"higit pa sa kaibigan ang turingan namin"

Napalingon ako na wala sa oras. Anong sabi nya?

"ba-bakla kayo? May relasyon kayo-PAPATAYIN MO BA AKO?!"

I blurted out. Napa-break kasi sya bigla at halos masobsob na ako.

"WHAT THE HELL?! ITONG GWAPO KONG MUKHA, BAKLA?"

Singhal nya saakin. Pinaandar nya muli ang sasakyan nya.

"e kasi sabi mo-"

"para ko na rin syang kapatid. Nasaan na ba ang brain cells mo? Naiwan sa langit?"

Masungit nyang sabi saakin. Inirapan ko nalang sya. Pero hindi pa rin ako makuntento sa sagot nya.

"e kanina, bakit parang magkaaway kayo?"

"ganun talaga kami"

"minsan na rin ba kayong nag-away?"

Huminto ang sasakyan nya sa isang resto.

"bakit ba ang daldal mo? Tsk!"

Pagmamasungit nya naman saakin sabay labas ng kotse nya. Bababa na sana ako pero siya yung nagbukas ng pinto para saakin. Galing mag-drama! Bravo.

The Lost AngelWhere stories live. Discover now