Angel 17

940 20 13
                                    

"Sorry talaga, kasalanan kasi ni grumpy yun eh. Hindi nya ako sinabihan kagabi!"

Maktol ko habang dala-dala ang mga balloons at tarpaulin papuntang gym.

Kasalanan talaga to ni Grumpy. Hindi nya sinabi saakin na may laro pala silang basketball at kalaban nila ang taga-southwell. Itong si clauss talaga pabaya! Hindi ko man lang nakita na nagdala ng towel o tubig man lang. sabagay, marami namang magbibigay sa kanya mamaya kasi nga sikat at maraming fans.

"mamaya ka na mag maktol jan Dems. Let's go~~~~~! Excited na ako! Babe, talunin mo yang mga sothwell ha? Pag hindi talaga wala kang kiss buong taon!"

Excited na sabi ni Keana kay Rio habang si Rio naman ay nagwa-warm up.

"ikaw naman Clydell Hudgen, kapag talaga lampa ka maglaro mamaya, hindi kita edi-date sa monthsary natin!"

Sabi naman ni Jarra sabay hampas ng puting towel kay Clyde.

"OO BABE!"

The boys said in chorus. Natawa nalang ako sa kanila. Bigla ko nalang naalala si Clauss. Naku! Ang lampa-lampa pa naman non! Nasaan na ba kasi yun.

"Dems! Tara na! malapit ng magsimula ang game!"

Hila saakin ni Keana papasok sa gym. Sobrang daming tao. Naghihiyawan na sila. Nakita ko naman ang mga babaeng nka pula, siguro sila yung taga-southwell. Panay ang tili nila habang tinuturo ang pwesto ng team namin. Wait, diba dapat nagche-cheer sila sa team nila?

"Guys, puntahahan nyo na yung ne-reserve nating pwesto at sasamahan ko lang si Demi magpalit ng damit"

Paglilitanya ni Keana at hinila ako. Anong damit? Bawal ba mag-uniform habang nanunuod ng laro? Bakit yung iba naka-uniform?

"wait. H—hindi ba to pweding suot ko?"

Pag-angal ko habang papasok kami sa locker ng varsity players. VARSITY PLAYERS?!

"hindi, wag ka nga jan. suot mo na yung ganito namin"

Excited nyang sabi saakin. Hindi nalang ako umangal at nagpahila sa kanya. Pumasok kami sa locker at laking gulat ko kung sino yung nakatalikod na topless. Harujusko po.

"Claussy! Magbihis ka dali! Ano ba yan!"

Sabi naman ni Keana at hinila nya ako sa may locker doon. May kinuha syang dalawang paper bag.

"why are you here?"

Masungit na tanong ni Clauss saamin. Nilingon ko naman sya at tinaasan ng kilay. May atraso pa sya sa akin at susungitan nya pa kami?

"magpapalit ng damit. Bakit ba?"

"bakit? Eche-cheer mo ako mamaya?"

Nakangisi nyang tanong. Tinawanan ko naman sya. Ang kapal ng mukha nito, matapos akong insultuhin kanina.

"Hindi. Si Blue ang iche-cheer ko. Hali ka na Kean"

Sabi ko at hinila si Keana sa isang cubicle para doon magbihis.

"ang harsh mo naman kay Claussy Dems!"

"Eh nakakainis sya!"

Sabi ko. Sinuot ko na yung damit at yung sapatos na dala ni Keana. Hindi naman kami gaano nagtagal sa loob at lumabas kaagad kami.

Magsisimula na ang game. Ang ingay na ng tao dito sa gym. Si Keana at Jarra ay panay cheer sa boyfriend nila. Ako naman ay sigaw-sigaw lang, nakakahiya namang isigaw ang pangalan ni Blue eh hindi ko naman sya boyfriend.

"KYAAAAAAAAA! ANG GWAPO NI CLAAAAUSSSSS!"

"OMG BEEESSSHHHH! ANG HOT NI FAFA BLUEEE!"

"HALAAAAAA! LUMABAS NA ANG RIO AT CLYDEEEELLLLL!"

"WAAAAAAAA!!!!!!!! GOOOOOOO MAAAAARRLLLLL PAAAAUUUULLLL!"

"MORGAN FOR THE WIIIIIIN!"

Yan halos ang maririnig mo sa buong gym nung lumabas na ang Morgan. Ang gwapo ni Clauss mula dito sa pwesto ko. Hindi pa sya naglalaro pero grabe na ang dating nya—haay! Ewan ko ba bakit ba pinatutuunan yan ng atensyon!

Si Blue naman ang gwapo ng dating, pero mas gwapo si Clauss—ano ba to! Nakakalito!

Nakita ko naman si Clauss na palingon-lingon, mukhang may hinahanap sya. Tumahimk nalang ako nanag magsigawan na sila dahil magsisimula na ang game.

——-

74-68

Third quarter na pero mas Malaki pa ang score ng taga-southwell kesa sa Morgan. Ano ba yan. Nauumay na ako kakatayo dito tapos wala lang. si Clauss parang wala sa sarili nya kung maglaro. Si Blue naman na 3-pointers hindi na gaano nakaka-3 points.

"GOOOOOO BLUEEEEEEEEEEEE!"

Cheer ko nalang. Nagbabakasakali na maka-3 points sya. Pero bigla naman may sumigaw sa likuran ko.

"GO BABE BLUEJIE! THAT'S MY BABY! PAGNA-SHOT MO YAN MAY SURPRISE AKO MAMAYA! KYAAAAAA!"

Baby?! Girlfrind nya to? Siguro nga kasi bigla nalang itinaas ang kamay ni Blue at itinuro sa may likuran ko. Aba! Kanina pa ako cheer ng cheer tapos hindi ako pinansin. Ano to? Bias? Ganun ha!

"GO CLAAAAAAUS! E SHOT MO YAN CLAAAAUS KO!"

Bigla naman natahimik ang mga katabi ko at nag smile bigla. Kinuha ko yung balloons at yung kulay blue na tela tapos nag-step forward ako para mas Makita ni Clauss.

86-90 na sa fourth quarter. 4 points nalang ang lamang.

"CLAUSS NA CLAUSS NA CLAUSS KITA! DI MO BA NA TATANONG? DEMS MO RIN NA BA AKO? GOOO CLAUSS!"

Kanta ko at binanatan ko ng ng sayaw. Tumayo na sya sa upuan nya para sa fourth quarter.

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko nang lumingon sya sa pwesto ko. Tinaas nya ang dalawa nyang daliri at hinalikan ito sabay turo sa pwesto ko. Hindi ko alam kung ano ang nagyayari basta parang hindi ko narinig ang sigawan ng mga tao, parang nagso-slowmo ang palagid. Hindi ko alam. Mas hindi ko kinaya nung kumindat na sya saakin.

"OHHH IMMMM GEEEEEE!"

Sabay sigaw ni Keana at Jarra with yogyug pa sa akin. Hindi ko alam basta napa-smile nalang ako at naramdaman ko na biglang nag-init ang pisngi ko.

Tumatakbo ang oras pero sila hindi tumatakbo ang score, makikita mo na pagod na pagod na sila.

92-93 na ang score nila at unti nalang ang oras. Nakita ko si Clauss na inagaw ang bola sa katabi nya sabay hagis ito kay Blue. Sinubukan ni Blue na i-shoot pero nakuha ng kalaban.  Sa kabilang ring hindi rin ng-shoot. Bigla itong nakuha ni Blue. 20 second nalang. Biglang nag-slowmo ang paligid, natahimik ang buong gym.

13. . .

Hindi ako makahinga ng maayos.

12. . .

Nag-stop over sya at nag-alinlangan na i-pasa ang bola.

10. . .9. . .8. . .

Tinakbo nya ang bola papalapit sa ring.

5. . .4 . .3. . .

Ito na.

2. . .

"I-SHOOOOT MO CLAAAAAAUS KOOOOOOOOOOO!"

————

Hi Angels! *kaway kaway* sorry kung ilang weeks na akong absent sa watty. Team June 8 kasi kami at busy #collegelife eh. Tsaka ang hirap makahanap ng free wifi sa lugar dito T.T nakakaiya

The Lost AngelWhere stories live. Discover now