Angel 5

1.8K 30 1
                                    

Tsup!

0-0

"waaaaaaaa! nakakainis ka na talaga! bakit mo ako ninakawan ng halik?! ha?! Pangatlong beses na-"

Tsup!

Waaaa! Tumayo na ako at kumuha ng unan at pinagpapalo sya! Nakakainis sya, akala mo kung sino!

"Hey! Stop it! Aww! Aray!"

"nakakainis ka na kasi! Kissing monster! Waaa! Walang hiya! Rapist!"

Tumayo sya at nagsalubong na naman ang dalawa niyang kilay.

"bakit? Bawal bang gawin yun sa mag Boyfriend/Girlfriend? You're my Pretend Girlfriend and I'm your Pretend Boyfriend"

Nagulat ako sa sinabi nya. Walang hiya sya! So ano? Hindi nya nirerespeto ang pagkababae ko?!

"aba! Hoy! Nasa bahay mo tayo wala sa labas! Lalabas nalang ako kung ganyan ka rin naman! Wala bang extrang kwarto ang bahay mo?!"

"wala! Ang ingay mo talaga! Let's sleep!"

Nilagyan ko ng harang baka ma-rape ako nito na walang oras. Hinding-hindi naman talaga ako matutulog kung walang harang. Swerte nya naman no.

Humiga na rin ako at tumahimik. Naramdaman ko naman na may malambot na kumot na bumalot saakin. Buti na sense nya na nilalamig ako.

---

"hoy! aba ayaw gumising, hoy babae tumayo ka jan"

"ano ba Clauss, natutulog pa yung tao"

I frowned. Nakakainis, ang dilim pa kaya tapos-

"anong Clauss!? hoy gumising ka nga jan Demitrix, napapasarap ka jan ah"

Syempre, nanamnamin ko na ang lambot ng kama. Bigla naman akong nakaramdam ng pitik sa noo ko kaya agad akong napadilat.

"Pedra ikaw pa-aww"

Putik! Tatayo na sana ako nang yakapin ako pabalik sa higaan ng Kissing Monster na to. Sisigaw sana ako pero baka magising ko sya at makita nya pa si Pedra.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay nya at tumayo. Pumunta ako sa balcony nya at don ko kinausap si Pedra.

"gaga ka ha! hindi mo na ako dinadalaw! I was in pain and agony-"

"tsaka kana mag dakdak jan, pero in fairness ang gwapo ng Clauss na yan ano ?"

Kinikilig nya pang sabi. Mahantud rin kasi ang isang to. Hindi nya ba alam ang pinagdaanan ko dito, kung makasabi ng gwapo. Oo nga naman gwapo sya pero rapist ang walangya.

"gwapo nga, rapist naman"

I Said and crossed my arm on my chest. Totoo naman e. Maniac rapist.

"hoyy! Loka ka ano? Baka ikaw pa ang mang-rape jan. Ang gwapo nya, so hot at yummy. Ako nalang kaya ang pumalit sa pwesto mo?"

Hinampas ko naman sa sya braso nya, ang landi kasi e.

"tigilan mo nga jan sa kalandian mo Pedra, respetuhin naman natin ang mala-adonis nyang katawan"

I stiffened. What was just I said? Adonis body? No-no you're kidding me. Mukhang hindi naman yun napansin ni pedra kasi parang wala naman sya, titig na titig kay Clauss e.

"pero pinapaalala ko sayo Demitrix, wa'g kang mahuhulog sa kanya"

*Silence*

"HAHAHAHAHA!--pffft. Nagpapatawa ka ba? Sa kissing monster na pervy na yan? Ikamamatay ko Pedra, kaya nga ako naging tao dahil sa pangra-rape nya sakin."

The Lost AngelWhere stories live. Discover now