Angel 12

1.1K 24 47
                                    

Madalas nya naman akong halikan-scratch that-madalas nya naman akong nakawan ng halik at sa labi ba, pero iba yung kanina e. Side of lips, pero bakit nagtatambol ang puso ko? Sa harap pa talaga mismo ni Blue? Naku, baka naman pinagseselos lang nya si Blue kasi nagseselos sya na hindi si Blue ang kasama nya? Pwede nya naman sabihin saakin e na gusto nya si Blue, pero bakit nya yun ginawa? Sa harap pa talaga ng mga kaklase ko? Sa harap pa talaga ng mga tao dito sa hallway? At hiyang-hiya ako kay Blue non, baka kasi may gusto rin sya kay Clauss.

"good morning class!"

Oo nga naman, hahalikan nya ako kasi girlfriend nya ako pero diba dapat alam ko na naman yun? Pero, sana si Blue nalang ang ginaa nyang girlfriend? ay mali, kasi hindi nya ako matutulungan pag ganun.

"I guess we have a new student here. Intodroduce yourself, miss?"

Ano bang chemical reaction ang nainom ko at ganito ako mag-iisip. Sa pagkakaalam ko hindi ko na nalalanghap ang air freshener sa kwarto ni Clauss. Anong theory ba ang lalabas saakin? Nababaliw na ba ako o sadyang may timang lang ako sa utak diba pariha lang naman yun a-

"ha?"

Tanong ko kay Blue nung ti-nap nya ang braso ko. Ganito na ba ako kabaliw at hindi ko mapansin ang mga bagay-bagay?

"you're spacing out. Introduce yourself daw"

Sabi nya. Bigla naman kumabog ang dibdib ko at tumingin sa professor, akala ko galit pero nakangiti sya. Yung mga kaklase ko yata ang galit.

"umm, hi. Demitrix Montevida. 19 years old, ummm."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung may ganito ba naman sa college edi gumawa na ako ng speech.

"is that all miss Montivida?"

Bigla akong tumayo pero ha? Bakit ako tumayo? Nawiwindang na ba ako?!

"ahh-please be nice to me and-and sana makilala ko pa kayo"

Ngiti-ngiti ko pang sabi. Yung iba naman nag-smile saakin yung iba naman inirapan lang nila at yung mga nakasaksi kanina tinapunan ako ng nakakamatay na tingin. Tamo? Yan ang resulta sa pagiging girlfriend ng isa sa pinaka-gwapo, pinaka-hot at pinaka-sikat na nilalang sa school na to.

Okay naman ang klase, kahit hindi ko gaano ma-gets ang mga sinsabi ng prof. pinipilit ko naman na intindihin yun. Pinag-aaral ako ni Clauss dito tapos hindi ako aayos? Mahal na kaya ang tuition ngayon.

"okay class, you still have 10 minutes. Just wait for the bell to ring, I have to go"

Paalam naman ng prof namin at lumabas sya. Tahimik lang ako sa upuan ko at pinagmamasadan ko sila sa pagkwekwentuhan, sa pagtatawanan. Para talaga silang high school students lang. sabi nga ni Clauss saakin, lahat yata ng mga studyante dito magkakakilala na kasi private ang school na ito at mga mayayaman lang ang narito.

"hey. Demi come here"

Tawag saakin ni Blue. Inusog ko ang upuan ko papalapit sa kanya. May mga kausap syang mga babae at lalaki.

"Demi. Si Rechard, Luigie, Guia, at Myrrh nga pala. Guys si Demi-"

"GIRLFRIEND MO?!"

Sabay naman na sigaw nila. Bigla naman ako ngumiti at umiling. Yung ibang kakalase ko natahimik at pumunta sa pwesto namin. Lalo na yung mga secret agent sa guard house kanina. Mapapahamak na naman ba ako?

"Blue? Girlfriend mo sya?"

"We thought she's Clauss's girlfriend?"

Bigla naman nagbulong-bulongan ang mga kakalase ko. Panay ako paliwanag na hindi ko boyfriend si Blue. Yun iba naman naniwala tapos yung iba pinagsasapilitan talaga nila boyfriend ko si Blue. Bakit ba ang iingot nila? Tapos ang Blue nato walang ginawa kundi ang ngumiti?!

The Lost AngelWhere stories live. Discover now