Angel 30

883 17 2
                                    


Hindi ko alam kung ilang kilometro na ba ang tinakbo ng sasakyan namin. Tanghali na at hindi pa kami narating sa bahay na sinasabi ni Clauss.

Habang natutulog ako kanina, bigla kung napanaginipan si Lucelyn. At hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ako ng palihim.

"Lucelyn..."

I said in my low voice. Ano na naman kaya ang ibibintang saakin ng Lucelyn na ito?

"Ate.."

Bigla akong napaatras at napakunot ang noo sa pagtawag 'nya ng ate saakin. Porket ang ganda 'nya tatawagin 'nya akong ate? Eskosme? Oo maganda 'sya pero mas maganda ako! Ano na naman ba ito?

"Anong ate? Ate ka jan! Pwede ba Lucelyn lubayan mo na ako? Umalis ka na sa buhay ko! Ano bang kasalanan ko sayo at ganyan ka? Ha?"

Nagulat ako sa pagsigaw ko sa kanya dahil bigla na lamang itong umiyak sa harapan ko. Iyak na nakita ko na noon. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako o ano.

"Wala ka namang kasalanan, alam kung mas tinuring kang anak nila mama at papa. Habang ako, sadya lamang ipinamigay at hindi na binalikan."

Nakatingin lang ako sa kanya. Parang totoo ang panaginip ko. Bigla nalamang akong naiyak.

"Hindi ko maintindihan" Sabi ko habang nailing. "Anong ibig mong sabihin?"

Lumapit sya kunte saakin at hawak-hawak ko ang hininga ko. Kinakabahan ako.

"Hindi mo ba maalala? Halos sabay pa tayong lumaki noon. Masaya ako na dumating ka sa pamilya namin, namin ni Mommy Vic at Daddy Chris..." Oh My God. Hindi ko alam yun, ni wala nga akong maalala na sabay kaming lumaki. "Dumating yung araw na kailangan nating maghiwalay. Pinaampon tayong dalawa sa magkaibang pamilya. Naghirap sila mommy noon, kaya nung nakabawi na sila ay binalikan ka 'nya. At ikaw lang yun. Kaya sobra ang galit ko sayo. Nag layas ako para sana bumalik sa bahay kung nasaan kayo nila mama pero huli na ang lahat. Nasagasaan ako ng isang bus at yun ang ikinamatay ko. Okay na akong namatay ako dahil puro pambababoy lang naman ang ginawa ng upampon saakin. Namatay ako na may galit sa inyo at sayo kaya ko lahat nagawa ito, ang bumaba dito at maghiganti."

Napatakip ako ng bibig at hindi magawang makapagsalita. Patuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko. Sorry Lucelyn, wala akong maalala.

"Mahal na mahal kita ate. Sana mahanap mo na ang tunay mo na mga magulang, patawarin mo ako sa mga nagawa ko. Mom and Dad are waiting for me."

Magsasalita na sana ako nang makita ko ang itim 'nyang pakpak na unti-unting naging puti at natanaw ko si Pedra na papunta kay Lucelyn.

"Tika lang! Lucelyn! Ano bang ibig mong sabihin? Lucelyyyyyyn!" Bagkos ay ngumiti 'sya saakin. "Hoy! Ano ba!"

"Lucelyn" Pag banggit ko sa pangalan 'nya. Kaya pala nung umiiyak 'sya may naalala ako. Kahawig 'nya si Mama Vic kung umiyak. "I'm sorry" at nagsimula na namang umagos ang mga luha ko.

Atrabidang luha! Extra lang kayo sa kwento ko kaya kung pwede lang ay umalis na kayo?

"Babe, you're crying again. 'Wag mo nang alalahanin si Lucelyn, okay? Happy na 'sya kung nasaan man 'sya ngayon. Don't cry, malapit na tayo sa bahay ng mga magulang mo"

Bigla akong kinabahan at biglang nabuo ang isang ideya sa isip ko. Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Lucelyn kanina.

Lord, alam kung napakakulit ko. Pero Lord, sana okay sila Mama Vic ngayon.

The Lost AngelWhere stories live. Discover now