Angel 4

1.9K 28 4
                                    

"HOOOOY! nanjan na ang yaya mo! pano na yan? anong gagawin ko? hala! hoy masalita ka naman o-"

"SHUT THE FVCK UP WILL YOU?!"

WAAAAAA! nakakatakot sya, kasi naman eh! nandito na ang yaya nya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Baka naman pagalitan kami ng yaya nya.

Nang may nag-doorbell, tumakbo ako sa taas, as in super takbo, nang nasa may taas na ako narinig ko ang pagtawa nya. Pinagtatawanan nya ako?!

"Hijo, kaawaan ka ng Diyos, okay ka lang?"

sabi naman ng yaya nya.Ito na, sign na ba ito na kailangan ko ng umalis? O kaya haharapin ko ang nakakatakot na monster?

"yaya, I want you to meet my Girlfriend"

"GIRLFRIEND???!!"

waaaaaa! yan na nga yung sinasabi ko eh! Ang tigas kasi ng bungo ng taong to, hindi nakikinig saakin.

-Flashback-

"Pretend to be my Girlfriend"

I automatically faced him. Nahihibang na ba sya? Alam kong maganda ako pero hindi ko pa rin yun gagawin.

"ANO?! nahihibang ka na ba? ang swerte mo masyado para-"

"okay fine, madali naman akong kausap, makakalabas ka na"

Huhuhuhu sabi ko naman sa inyo e. Tamo? Ginagawa nyang pangblack-mail yun.

"waaaaaaaa! sabi ko naman diba okay na? oo fine deal ako jan"

Pilit kong ngiti. I hate him so much! Bibili nalang ako ng sangkatutak na alcohol.

"good girl"

sabi ya sabay tap ng ulo ko. ano ako ASO?

"wala ka bang girlfriend?"

Tanong ko. Bakit naman kasi kailangan ako. I can't blame him too because I'm great. Mahirap tanggihan ang kagandahan na meron ako.

"marami"

"HAAA? e bakit ako pa? Sila-"

He smiled at me. Yung ngiti na nakakatakot.

"mga kalaro ko lang sila"

sabi nya at umupo sa higaan at tumingin sakin hawak ang frame na may babaeng familiar na mukha.

"why?"

I asked out of the blue. Malay ko bang may pinagdadaanan na to sa buhay nya?

"simula nung namatay ang kapatid ko, nag-iba si mommy, actually hindi ko pa na meet ang kapatid ko, nagkalayo kasi kami, sure ako kasama mo sya sa pagsabog, namatay naman si daddy dahil inatake sa puso, pinabayaan na ako ni mommy, si yaya nalang ang nag-alaga sakin. Mom said if hindi ko raw titigilan ang pangungulikta ko ng babae pwede nya akong e arrange marriage. Lahat ng girlfriend ko hindi ko pinakilala ni mommy, they're just my toy. And now, be my girl, pretend girlfriend. After that, wala ng arrange marriage. Ayaw mo nun? Isang gwapong katulad ko? Aayawan mo pa?"

Napakamot ako sa ulo ko. Oo nga naman, pero diba bawal magsinungaling? Pero-ang hirap naman kasi e.

"Sige na, pero baka naman pagalitan tayo ng yaya mo. Paano pag nahuli tayo ng mama mo?"

"Sumunod ka nalang sa lahat ng sasabihin ko at walang masamang mangyayari."

-End-

"hoy! tulala ka naman jan! Relax ka lang pwede? yaya won't bite you, relax, okay?"

hindi ko namalayan nasa harapan ko na pala sya hawak ang kamay ko.

sabay kaming bumaba sa hagdanan. Kinakabahan ako, hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ko.

The Lost AngelWhere stories live. Discover now