5. The Contract

179K 5.1K 353
                                    

Toffer on the pic



5. The Contract


SCARLETT


"Ano 'to? Bakit three months lang? Three months lang ang trabaho ko rito?" tanong ko kay Mina, yung staff na nag-asikaso sa aming mga applicants kahapon.

"Si Sir Arthur mismo ang gumawa nyan. 'Wag ka na magreklamo. Wala kang laban dun."

Pinandilatan ko siya ng mga mata. Anong walang laban? Minamaliit niya ba ako? Pero teka, naguguluhan talaga ako. Kasalukuyan ko kasing binabasa ang contract ko at base rito, magtatrabaho lang ako sa AE Mart Inc. sa loob ng tatlong buwan lang. Akala ko nga ay tatlong taon pero hindi e. Buwan lang talaga. Anong kaabnormalan 'to?

"Nandyan na ba si Sir Arthur? Hindi naman ako aware na may duration pala yung pagtatrabaho ko rito. Ibig sabihin, contractual ako? Akala ko, kaya may involve na contract ay dahil sa salary ko. Eh ano 'to? Ipaliwanag mo nga. Make me understand."

Tinaasan niya ako ng kilay sa mahabang speech ko sa kanya. Napaawang pa nga ang bibig ko nang i-head to toe look niya ako. "Ke bago-bago mo pa lang, reklamadora ka na?"

I gasped in shock. Dramatic reaction lang. For sarcastic purpose kumbaga. "Am I not allowed to ask questions about my contract? Don't I have the liberty to express my thoughts? I am not that silly to sign this darn contract now that I am confused."

Bumuga siya ng hangin. Parang kinakalma niya ang sarili niya. Ha! Serves you right, biatch. Ang ayos ng tanong ko tapos mamalditahan lang ako?

"Kung anong nakasulat dyan, intindihin mo nalang, Scarlett."

"Don't call me Scarlett. Alison ang itawag mo sa akin."

"Whatever," she rolled her eyes like a real biatch. Naku, masasamaan na talaga sa akin ang isang 'to. "Ayusin mo ang ugali mo. Bago ka lang dito. 'Wag kang-"

"Nagtatanong lang ako. And what did you do? You biatched me. Sarcastic ka pa."

"What's this chaos all about?" Napatunghay ako nang marinig ang boses na iyon. Si Mina naman ay napaayos ng tindig. Yung mga ibang empleyado ay nagpatay malisya. Tss. Seems like I'll be working in hell.

"Nothing, Sir."

"NOTHING?" Big word! Tumayo ako at sinamaan siya ng tingin. Hawak-hawak ko pa yung contract ko. "Ang gusto ko lang naman ay ipaliwanag niya sa akin yung laman ng contract but what she did is she shoot me with her sarcastic answers. Syempre maiinis ako. Maayos naman ako nakipag-usap diba?"

Sir Arthur heaved out a sigh. Nakita kong iniabot niya sa akin ang laptop bag niya kaya agad ko yung kinuha. "Pakidala na sa office ko 'yan, Alison. And you, Mina... Let's talk."


WALA akong magawa sa loob ng office ni Sir Arthur kaya naningin nalang ako ng mga frames niya roon. Pak na pak pala ang achievements niya. Summa Cum Laude with a lot of certifications. May malaki pang frame ng brief history ng AE Mart Inc. dun pero hindi ko na binasa dahil tinamad ako.

Buti nalang ay dumating na si Sir after a couple of minutes of waiting. Narinig ko kasing bumukas yung pinto kaya nilingon ko siya at nagmamadaling pumwesto sa dapat pwestuhan ko.

"Sir..."

"We're not in the military. Quit the formality," sabi niya pa. Mukha ba akong formal? Err. Anong gusto niya?

"Mina and I already talked about what happened. Magsosorry daw siya sayo mamaya," sabi niya kaya napangiting tagumpay ako. "For now, I'll explain what the contract says to you. Maupo ka."

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon