42. Kidnap

153K 4.9K 2.1K
                                    

Chapter 42

Is this the end of my chaotic life in this cruel world? Damn! Bakit naman sa mahigit 100 million na tao sa Pilipinas ay kami pang dalawa ni Emma ang napiling kidnapin? I swear, they won't get anything from us. Wala akong pera. Wala ring pera si Emma. Sh1t! We might end up getting killed kapag wala silang nakuha sa amin.

"O—oommmmp!!!"

Nagpupumiglas ako pero it made no sense because we were bloodily tied by them. Idagdag mo pa sa panic attack ko yung pagpiring nila sa mga mata namin at pagtapal ng duct tape sa bibig namin. Ano na bang nangyari sa life story ng isang Scarlett Alison Ramirez?! Bakit ganito kasaklap?!

"Um—p! Oompph!!!"

Napagod na ako sa kakapumiglas pero itong si Emma ay hindi pa. Ramdam ko kung paano siya magwala sa tabi ko. Naaawa tuloy ako sa kaibigan ko. Kasalanan ko 'to e. Kung hindi ko siya niyaya sa penthouse ni Arthur para magpatulong sa birthday ni Venice ay hindi siya madadamay dito. Ako lang sana ang na-kidnap at hindi siya. This is entirely my fvcking fault!

Hindi ko na tuloy mapigilan ang sarili ko sa paghikbi. Shucks! Bigla-bigla nalang akong humikbi thinking about Emma. Naging mabuti siyang kaibigan sa akin pero ito lang ang sasapitin niya? Sh1t! Sh1t! Sh1t!

"Stop crying, will you?!" sita sa akin ng hindi ko kilalang lalaki. Ni hindi ko nga siya makita dahil nakapiring ako, makilala pa kaya? "Hindi naman namin kayo ginagalaw dyan. Gutom ba kayo?"

Humikbi lang ulit ako. Medyo nagulat pa nga ako nang humikbi din si Emma. And now we're sobbing in chorus. Naramdaman ko tuloy yung stern stares ng mga kidnappers sa amin kahit na wala akong makita.

"Damn! Can we at least remove the tape off their ear-splitting mouths? Nakakarindi e."

"Sige."

Naramdaman ko namang may nagtanggal ng tape sa bibig ko. Buti nalang at dahan-dahan kundi ay mapapahiyaw ako sa sakit. Masyado kasing makapit yung tape. Ang pangit tuloy sa pakiramdam.

"WAAAAAAAHHH! TULONG! TULONG!"

Nabigla ako nang marinig ko ang pagwawala ni Emma sa tabi ko. Sobrang ingay. Kahit ako ay naririndi.

"Wala po kayong makukuha sa akin! Bread-winner po ako ng pamilya ko. Call center agent lang ang trabaho ko at hindi ako anak mayaman. Parang awa niyo— oompp!"

Teka. Anong nangyari? Biglang naputol yung sinasabi ni Emma. OMG! Don't tell me pinukpok siya sa ulo at nawalan siya ng malay or something?

"AAAAAAAAAH!" Tumili na rin ako. Sunod-sunod na malulutong na mura tuloy ang narinig ko. Titili pa sana ako pero may mabilis na tumakip ng bibig ko.

"Anak ng tupa! Alex, anong gagawin natin dito? Mas lalong nag-ingay!"

"Oommpp!!!" Mas lalo akong nagpumiglas pero matigas ang palad niyang nakatakip lang sa bibig ko. In fairness, for a kidnapper, he smells of an expensive perfume.

I felt somebody transfer seat beside me. Marahil yung lalaking tumatakip sa bibig ko.

"Miss, una sa lahat, hindi ka namin aanuhin. Kaya huwag kang umano dyan at baka maano ka namin— aray! Dustpan, ano ba! Masakit yun ah."

"'Lul. Mas lalong matatakot yan, timawa ka."

Kahit na naguguluhan ako't nangangamba sa mga nangyayari at kung saan kami dadalhin ng van na sinasakyan namin ay nagawa ko pa ring pakalmahin ang sarili ko. I should keep my calm. Baka mapagod lang ako which should not happen dahil kailangan naming tumakas ni Emma kapag may chance.

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon