43. Scared

154K 5.2K 1.5K
                                    

Chapter 43

Kinaumagahan, mas nauna akong nagising kaysa kay Emma. Siguro kasi kahit comfy ako sa kamang tinulugan namin ay hindi rin ako makatulog ng maayos dahil bothered ako sa mga nangyayari. Not that I'm not trusting those seven guys, siguro dahil lang sa worried ako kay Arthur ngayon. Ano na kayang iniisip nung lalaking 'yon sa biglang pagkawala ko? Nag-aalala kaya siya sa akin? Magdidinner dapat kami kagabi e, but sh1t happened. Nadiskaril pa.

Nabigla ako nang may humampas na malambot na bagay sa ulo ko. "Uy! Tulala ka dyan? Miss mo na si boss babe mo, 'no?"

Nilingon ko siya. Obviously, it's Emma. Kanina pa kami gising pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami bumabangon. I just don't feel like it. Naiilang pa rin kasi ako sa kabarkada ni Arthur. Hmm, hindi naman sa naiilang. Hindi lang siguro ako kumportable sa kanila. Most of them are outgoing. Baka ma-conscious lang ako kapag tinanong nila ako tungkol sa amin ni Arthur o 'di kaya'y sa buhay ko.

Niyakap ko lang yung unang hinampas sa akin ni Emma at saka humarap sa kanya. "Hindi, 'no." Sumimangot siya. "Ano ka ba, nag-aalala lang ako sa reaksyon ni Arthur. Umalis ba naman ako nang walang paalam e."

Ngumisi siya nang mapang-asar. "Sus, as if namang for good itong bigla mong pag-disappear. Alam mo, mas mabuting nagpapamiss kayo sa isa't-isa para may sabik factor sa pagitan ninyong dalawa. Araw-araw nalang kayong nagkikita e."

I shook my head internally. Ilang araw din kaya akong nahiwalay kay Arthur nung nagpunta ako ng SG. Kahit ilang araw lang 'yon, inaamin ko, namiss ko talaga silang dalawa ni Venice. Para bang I felt so empty. Masama na 'to.

I breathed out and got up from bed to dismiss the talk. "Tara na. Let's fix ourselves. Baka hinihintay na tayo sa baba."

HINDI ko alam na ngayon pala ang birthday ni Arthur. Hindi man lang kasi nabanggit nito sa akin kung kailan ang special day niya. Habang nagshoshower tuloy ako ay iyon ang nasa isip ko. Naalala ko yung sinabi ng Mama niya. Hindi raw ito nagcecelebrate ng birthday simula dahil nagpaka-workaholic siya. His life must be so serious. Wala nang masyadong fun. Bata pa naman siya ah. 26 is quite young pa naman, 'di ba?

Pababa kami ni Emma nun sa hagdanan nang maabutan naming magkakasama ang barkada ni Arthur sa sala. They're must be talking about something serious. Nakabakas kasi sa mga mukha nila.

"Bakit kasi hindi mo iniba ang boses mo, Waynepot? Si Arthur pa. Automatic ang utak nu'n," the cold guy said. Dustin yata ang pangalan nito. I'm not sure though.

"Eh kung ikaw nalang sana kasi, Dustpan. Bakit kasi ako pa?" Sigurado na akong si Wayne na ang isang 'to. He's the most outgoing of all. Hindi nauubusan ng sinasabi.

"Lul. Mas lalo na ako. Mas halata yan."

Napalingon sa amin si Alex nung narinig niya yata ang footsteps namin na pababa ng hagdanan kaya tumango kami sa kanila at bumati ng; "Good morning." Sabay pa talaga kami ni Emma pero mas wagas nga lang 'yun ngiti niya kaysa sa akin. Ugh, this girl!

"Anong meron?" I asked as I sat on the sofa next to Emma.

They all looked so anxious except to Dustin na poker-face pa rin. Seryoso, ang weird niya. Hindi ba nagbabago ang facial expression niya?

"Your boss babe must have busted us," sabi ni Derrick habang iniaabot sa akin ang phone ko. Binasa ko yung naka-open na thread and my jaw dropped open as I read the message.

From: Boss Babe

Quit this sh1t. You'll be damned, a-holes.

Sh1t. I swear, hindi na siguro maipinta ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. Dali-dali kong pinalitan yung pangalan ni Arthur sa contacts ko at saka ibinalik sa center table ang phone. Bakit ba kasi boss babe pa ang nakalagay sa contacts e? Lintek naman oh.

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon