36. Hugot ni Arthur

169K 5.1K 659
                                    

Chapter 36

Maaga akong nagising the next day. Let me rephrase it. Fvck, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kagabi. AAAAH! Holy potato. Para akong bumalik sa pagiging teenager sa sobrang kilig na halos sumayaw ako ng 'Dessert'. Kaya nga heto ako ngayon at hindi nakatiis. Kapag nag-stay pa ako ng matagal sa kamang iyon kasama si Arthur e baka hindi ko na alam kung dapat pa bang i-rate itong kwento ko as humor. Baka nga mailipat na ito sa new adult genre. Well, kiddinng aside, I decided to sneak out of our room and go here in the resto. Dinala ko ang laptop ko at nakipag-Skype kay Emma. Syempre, ikuwento ko na rin sa kanya ang nangyari kagabi. Yung mga ganung bagay dapat talaga ibinabahagi sa bestfriend.

Yes, I consider Emma as my bestfriend. This would sound mean but she is way nicer than Sitti. I could even share secrets with her without letting me feel insecured. Basta kay Emma, feeling ko ay safe ako.

"As in a date? Dating? Kayong dalawa ni Arthur? Baka naman ikaw ang nag-aya. Ay, sus, Alison. Don't revise the story. Major editing yata ang ginawa mong gaga ka," sabay halakhak niya ng nakakaloko. Since parehas ng timeline ang SG at Pinas, sabay kaming nag-aalmusal while Skyping. Actually, almost one hour na rin kaming nag-uusap. 8AM na rin kasi e.

"Shuttap, Emma. Totoo ang sinabi ko. Kung alam mo lang kung paano niya iyon sinabi," I sighed dreamily and smiled as I reminisced what happened last night, "He told me that he wants us to work out." Napahampas pa ako sa ere na para bang may pinalo ko siya. "Akala ko nga, niyayaya niya akong mag-gym."

"E baka nga gym ang nais ni Arthur. Nag-ooverreact ka lang talaga."

Sinamaan ko siya ng tingin sa screen. Mas lalo namang nang-asar ang ngiti niya sa akin. "Gaga, hindi 'no. Tandang-tanda ko pa yung sinabi niya. Sabi pa nga niya, kahit ganito ako ay interesado pa rin siya sa akin. So, ibig sabihin, he likes me!" I almost shrieked.

Humigop muna siya sa kape niya bago niya ako tinapunan ng mapanuring tingin. "Sabi niyang gusto ka niya?"

Dun na ako natigilan. He did not say that pero ganun pa rin naman yun diba? "Ganun na rin yun, Emma. Hindi niya isusuggest na i-work out ang relationship namin kung hindi niya ako gusto."

Ako naman ang humigip sa coffee latte ko. Nakita kong sumandal siya sa upuan kaya sumandal din ako sa inuupuan ko. She seemed to be thinking something that made me feel uneasy. Ano kaya ang tumatakbo sa isip ng bruhang 'to?

"Hmm, pero ikaw, gusto mo ba siya?"

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko sa biglang naitanong niya. Ang sudden naman masyado! "Ano ba yan, Emma-"

"Yes or no?"

I rolled my eyes and did not bother to answer. Gusto ko man o hindi sa Arthur, akin nalang yun.

"Well, alam ko naman ang sagot. Bakit ko pa itatanong diba? Oo naman yan," sabi niya na nagpatawa sa akin. Oo, gusto ko si Arthur. Given the fact na almost perfect na siya, sa ilang buwan na nakasama ko siya ay nakitaan ko siya ng mga katangian na nagpahanga sa akin. Well, he's indeed one of a kind.

"Alam mo naman pala e."

"Kung ganun, ba't ayaw mong aminin sa kanya? Tutal, sabi mo nga eh gusto mo siya at gusto ka rin niya. Para wala nang problema! Happy na kayong dalawa."

Napangiwi ako sa suhestyon niya. Like duh? As if I'm gonna do that. May prinsipyo akong tao. Paninindigan ko na maging dalagang Pilipina. Dapat ang lalaki ang gagawa ng move sa babae. "Ayoko nga. Paano kung umamin ako tapos hindi niya pala ako gusto?"

"At least, you tried." Humalakhak siya sa sagot ko.

"Ayoko pa rin," inirapan ko siya. "Para sigurado, siya dapat ang unang umamin sa aming dalawa para secured ang feelings ko."

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon