7. Meet the Family

157K 4.6K 346
                                    

7. Meet the Family


SCARLETT


7am ang breakfast meeting with the family ni Sir Arthur kaya sinadya kong agahan ang pagpunta dun. Pwede na nga yata akong gawaran ng most prompt award dahil 6:30am pa lang ay nandito na ako sa Annabel's restaurant. Yun nga lang, dumating nalang ang 7am pero wala pa rin ang inaantay ko. I was even having second thoughts if I should text my boss now dahil super late na siya pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

7:30 na pero wala pa siya. Sh1t naman o. Niloloko ata ako ng boss ko. Inuugat na ako dito sa kakahintay at kakatanggi sa mga waiter na lumalapit sa akin para alukin sa akin ang menu. Nakakahiya. It's been an hour since I arrived here pero wala pa rin sila. Dahek.

Lumabas nalang ako restaurant at dun muna naupo sa lounge kung saan naghihintay ang mga drivers para sa mga amo nila. Buti nalang ay walang drivers that time kaya okay lang dito muna ako naghintay.

I was wearing a white lace banded dress which reveals my figure. Sabi kasi ni Sir Arthur kahapon ay mag-casual dress ako ngayon kaya eto... bagay sa akin. I look prettier than usual.

Napaayos ako ng upo nang may dumaang customers sa harapan ko since nasa gilid lang naman ako ng entrance. Mukha silang pamilya na halatang mayaman. Namimiss ko tuloy ang family ko. We used to bond every Sunday lalo na't kung off ang parents ko sa work nila.

I grabbed my phone out my handbag ang browsed the internet. I created new social media accounts recently to get away from my old life. I even used another name para hindi ako madiscover ng mga nakakakilala sa akin sa Astrid.

I used 'Secretary Ali' as my facebook name.

"Hey, why are you here outside?" Napatunghay ako sa nagsalita. It was Sir Arthur looking so fresh in the morning. Wait, what? Fresh? Eh naka-casual polo shirt lang naman siya at pants. Naconscious tuloy ako bigla sa suot ko. Ang bongga kasi masyado para sa kanya!

"Lumabas lang ako, Sir. Kanina pa ako nandito," I said and stood up. Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa sabay iling. Parang nadismaya yata sa suot ko.

"Sabi ko casual diba? Magpaparty ka ba?" iritableng sabi niya kaya bahagya akong napasinghap. Whoa. No one dares to embarrass me like this. Hindi nalang i-appreciate ang ganda ko. Tch.

Umismid ako, forgetting that he's the boss. "Sana sinabi mo na simple lang dapat, Sir. I wasn't informed, you know."

Napahilot siya sa sentido niya na para bang nakukunsume siya sa suot ko. What's wrong with what I'm wearing right now? Mukha bang tig-fa-five hundred pesos lang. Pasensya, nagtipid eh. 3K lang naman ang binigay niya sa akin kahapon. "You should have wore as simpler clothes. Paano ka nila magugustuhan nyan?"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Teka, nabingi yata ako dun? Ano raw?

"Tara muna sa kotse."

Naglakad na siya palayo samantalang ako ay naiwang nakatayo lang dun. Nakakunot pa ang noo ko. Nilingon naman niya ako nang mapansin walang sumusunod sa kanya.

"Alison..."

"Sir?"

"Follow me," matigas na sabi niya. Mas matigas pa sa biceps niya na kitang-kita sa suot niyang shirt. Oh... I mean, fine. No malice. He's got a well toned body.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. At in fairness, he has black Ford expedition. Binuksan niya yung driver's seat tapos may kung anong inabot dun. He then slammed the door close before he handed me a cardigan.

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon