12. Why Did You Leave Us?

143K 4.7K 413
                                    

12. Why Did You Leave Us?


SCARLETT


Parang tumigil ang mundo sa backstage. Through my peripheral vision, I even saw Venice looked at me surprisingly. Tinaasan ko ng kilay ang mga suwail na batang nang-aasar sa magandang batang karga ko.

"Huwag niyo nang aawayin ang baby ko. Hindi siya pinulot sa kung saan. Galing siya sa akin. Naiintindihan niyo ba 'yon?" pagtataray ko. "Osya, get away from our sight."

Walang sabi-sabi silang tumakbo palayo sa amin. Venice, still in my arms, looked to me in disbelief now.

I smiled awkwardly to her. Parang hindi siya humihinga. Eh, sa namumutla siya e! "Let me carry her," singit ni Arthur at kinuha mula sa akin si Venice who still did not disconnect her eyes from me.

"Who are you?" tanong nito, syempre sa akin. Direkta pa rin siyang nakatitig sa akin e, saka ito yumakap sa leeg ni Arthur. Aww, so cute!

"She's your—"

At dahil naeexcite ako. "Hi, Venice! I'm your mom," I said enthusiastically. Napawi ang ngiti ko nang sinimangutan niya ako.

"You... are... not... my... mom!"


Actually, in-expect ko talagang mabait at sweet ang anak ni Arthur. Unang kita ko pa lang sa kanya nung isang araw, masasabi kong napaka-adorabs niya. Even sa picture, she really looks like a living doll. But truth to be told, looks can be deceiving nga naman.

"Daddy, who really is she? Why is she pretending to be my mom?!"

Lihim akong napasinghap sa backseat. Unang araw pa lang namin, buking na agad kami. Grabe naman. Diba kapag bata, mapagpaniwala? Ibahin natin siya, guys. Advance mag-isip ang batang 'to.

"Stop it, Venice. Your mom is listening."

Ngumiti lang ako nang lingunin ako ni Venice. Ang sama-sama ng tingin niya. Nakakaloka naman. "But Dad, how can you say that she's my mom?"

Sumabat na ako. Aba, mommy kaya ang role ko dito at hindi display lang. "Arthur, hindi ko kinakaya ang utak ni Venice. Kumo-conclusion agad e."

Arthur's driving that's why he only had to look at me through the rear view mirror. "Matalino ako e. Mana sa akin," sabi niya at tinignan saglit ang anak. "Right, Venice?"

"Yeah..."

"And you inherited your mom's look that's why you're pretty, aren't you?"

Tinignan ko ang bata. Naka-fold pa ang arms at nakasimangot. Ang cute cute pa rin! Gusto ko siyang yakapin. Parang manika e. Pero teka, did Arthur say I'm pretty? Yay, ngiting tagumpay tuloy ako hanggang sa makarating kami sa isang restaurant.

Hindi ko hinintay si Arthur na pagbuksan ako kasi alam ko namang mas uunahin niya si Venice. As the kid climbed out of the passenger's seat, I tried to reach for her hand pero mabilis siyang umiwas at nagpabuhat sa daddy niya.

Tinignan tuloy ako ni Arthur at pinagkibitan lang ako ng balikat na parang sinasabing 'hayaan mo na'. Akala ko nga ay dun kami papasok sa restaurant na pinag-park-an namin ng kotse pero it turned out na nag-park lang pala kami dun at tumawid kami sa kabilang kalsada para sa Jollibee.

"Favorite kasi ni Venice," sabi ni Arthur nung tinanong ko siya kung ba't dun kami kakain.

Naglalaro si Venice sa playground. Pinapanuod ko siyang mag-slide at tumakbo kung saan-saan. She seemed to be a normal child. Huwag mo lang pagsasalitain kasi para siyang matandang mangusap.

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon