50. Senior Vice President

138K 4.2K 296
                                    

Chapter 50

Hardly a few days went by and now, in the few hours remaining of Arthur's departure gave me a heavy feeling in my chest. Hindi pa siya nakakaalis pero ngayon palang ay nalulungkot na ako. Two weeks lang naman siyang mawawala...Damn, don't be to dramatic, Alison. Two weeks lang na walang Arthur sa paningin mo.

"Be a good girl, baby." Tinaas ni Arthur ang kanyang kamay as a promise gesture habang naupo sa harap ni Venice. "Promise?"

"I promise, Dad!"

"Good," he smiled warmly and gave her a quick kiss on the tip of her nose. "Huwag papasakitin ang ulo ni Mommy. Okay?"

"I won't. Promise, Dad!"

Tumayo si Arthur at hinawakan ang ulo ni Venice. "Alright! Go inside now. You might get late in class," sabi nito at bahagyang kumaway.

"I love you, Dad. Ingat po!"

"I love you, too."

Pinanuod namin si Venice na pumasok sa loob ng gate ng E.H.A. Nasa school kami ngayon para ihatid si Venice bago man lang umalis si Arthur patungong America. 11am ang flight niya kaya at wala namang traffic kaya nag-insist siyang ihatid si Venice.

Humarap siya sa akin at tinanguan ako. "Tara na. Ako naman ang male-late sa flight ko..."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako pabalik sa kanyang sasakyan. Actually, kanina pa ako hindi umiimik e. I just feel so upset about him being away for two weeks. For me, weeks seem months or days or even years. Nakakabaliw!

Sinenyasan niya agad ang driver pagkasakay namin sa backseat. Napansin kong patingin-tingin siya sa akin kahit na nakatuon ang atensyon ko sa bintana.

"Alison, may problema ba?"

Dahan-dahan akong umiling. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

"Nagtatampo ka ba?" hinawakan niya ang mukha ko at iniharap sa kanya. "Alison..."

"Bakit kasi ikaw pa?"

Kumunot ang noo niya. "Ako pa ang alin?"

"Ikaw pa ang pinadala sa States. Outsourcing diba? 'Di ba dapat yung purchasing department ang mangalaga du'n? Bakit ikaw pa?"

His expression turned blank. "I don't know. Si Kuya Ezekiel ang nag-appoint sa akin. Hindi ko naman pwedeng tanggihan. It's all part of my job anyway."

Sumimangot ako lalo. Isa pa 'yang kuya niyang ubod ng misteryo. Pakiramdam ko ay may alam na siya tungkol sa akin. Hindi ako tanga para hindi 'yon mapansin. Una, papaalisin niya ng bansa si Arthur, pangalawa, bibigyan niya pa ako ng trabaho sa kumpanya at pangatlo, gagabayan pa ako ni Garrett na mangyari namang ex-boyfriend ko. Just what the hell...

"Hindi ba pwedeng sumama nalang ako?" malambing ang boses ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ba pwedeng sumama nalang ako?" malambing ang boses ko. Sana umubra kahit papa'no. "Sige na, Boss babe. Kahit sumunod nalang ako..."

"May visa ka?" Natameme ako. "Wala?"

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon