55. Spill The Truth

139K 4.1K 718
                                    

55. Spill The Truth

Dinala ako ni Sitti sa paborito naming cafe noong nasa college pa kami. Madalas kaming pumupunta dito noon para mag review kahit na malayo na ito sa bayan. Nakalocate kasi ito sa dulo ng Astrid. Kung baga ito na 'yong boundary patungo sa kabilang bayan. Nasa sulok man ang lokasyon pero maganda ang tanawin dito sa gabi.

Minsan kasama kong pumunta dito si Sitti, pero mas madalas kong kasama noon dito si Garrett. Hindi kasi talaga palareview itong si Sitti dahil happy-go-lucky type siya. 'Thy will be done' nga ang madalas niyang motto noon. Ganun siya ka free-spirit na tao.

Naupo kami sa favorite spot namin sa roof terrace at dahil ala una palang ng tanghali ay maliwanag ang kapaligiran. Tanaw na tanaw tuloy namin ang asul na alapaap and those green fields. What a nice view!

"Hinding hindi talaga ako magsasawa sa view na ito," I said in amusement habang binibigay ni Sitti ang order namin sa waiter. "Napaka peaceful tignan, 'no?"

"Definitely." Malaki ang ngiti sa labi niya at may itinuro sa bandang harapan namin. "Nakita mo 'yong lupain na 'yon? Nabili na namin ni Mama 'yon."

Umawang ang bibig ko sa pagkabigla. Ang laki ng lupain na 'yon a! "Really? Anong ipapatayo niyo dyan?"

"Hindi pa namin alam. Baka mall or resort. Pinag-iisipan pa," she smiled gaily and proudly.

Ang laki na ng pinagbago ni Sitti. Posible pala na pwedeng maging successful ang tao sa loob lang ng ilang buwan? Sa pagkakaalam ko kasi ay average lang ang status nila sa buhay. Not to degrade her, but her family is in debt with my parents. But since, close sila sa pamilya ko ay pinalagpas nalang nila Mama at Papa iyon. Hindi na rin naman sila iba sa amin. Para na namin silang kapamilya.

"I'm happy for you, Sitti," I replied with a half-smile.

Nagkuwentuhan pa kami tungkol sa ibang bagay. She told me about her job in a very well known company in the city pero umalis daw siya dun kamakailan lang para tulungan ang Mama niya sa naiwan naming negosyo rito.

Binaba ko ang kutsara sa plato at mataman siyang tinignan. "Salamat, Sitti ha? Salamat sa inyo ni tita sa pag aasikaso ng negosyo namin."

She slapped me on the arm lightly. "Wala 'yon, ano ka ba... Hindi na kayo iba sa amin."

"Kumusta naman ang status ng business namin?" Furniture manufacturer ang pamilya namin. We inherited this business from my grandparents. At sabi ng parents ko ay ako na ang next in line para i-manage ito.

Nagkibit balikat siya bago nagpunas ng table napkin sa gilid ng kanyang labi. "Well, it hasn't been good lately. Nagback out kasi 'yong ilang suppliers natin."

I eyed her worriedly. Now, I can't help myself but to grow some suspicious feeling.

"Don't worry about it, Scarlett. We're doing something about it," she assured me with a grin. "Let's eat?"

Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Masama ba kung medyo nabobother ako sa status ng negosyo namin? Napaparanoid na nga siguro ako lalo na't medyo nagtataka ako sa biglang pag asenso ng pamilya ni Sitti. Her car, the land... what else is there? Nakakapagtaka talaga. Ayoko mang mag isip ng iba dahil may tiwala kami sa pamilya ni Sitti pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Hmm," she cleared her throat to break the silence. "Nagpunta ako sa mansion niyo kaninang umaga, but something happened kaya umalis ako saglit. Pabalik na sana ako inyo nung makita kita along the way and wow, you're with Garrett? Naguguluhan ako, girl. Why are you with him?"

I ate the meat first and drank some of the cool juice before I looked to her. It's about time to spill the truth. After all, she's my bestfriend. Siya ang tumulong sa akin sa Maynila and I owe her a lot for lying to her.

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon