27. Dinner

147K 4.9K 578
                                    

27. Dinner

Hindi ako mapakali sa sinabi ni Sir Ezekiel. Leche! Hindi naman ako shunga para hindi ma-gets yung sinabi niya. May laman e. Alam kong may gusto siyang ipahiwatig sa mga salita niya.

"Dear Alison, hindi dahil niloko ka na noon ng isang Evangelista ay ganun na rin ang tingin mo sa lahat ng Evangelista."

"ARGH! No way. Wala siyang alam. Napaparanoid ka lang, Alison. Kumalma ka." Palakad-lakad ako sa loob ng emergency stairs. Gusto kong mapag-isa para makapag-isip kaso sh1t lang dahil kung ano-anong kash1t-an lang ang naiisip ko. Mas lalo lang akong na-i-stress sa sinabi sa akin ni Sir Ezekiel.

Huminto ako sa paglalakad at sumandal sa likod ng pintuan. Buti nalang ay airconditioned din ito kaya hindi ako naiinitan. Siguro nga may alam na si Sir Ezekiel tungkol sa true identity ko. Siguro nga ay may alam na siya dahil hindi niya iyon sasabihin kung inosente pa rin siya.

"Fvck!" Naihilamos ko ang dalawa kong palad sa mukha ko. I'm dead meat! Kung alam na niya, ibig-sabihin ba ay may alam na rin ang kapatid niyang si Boss Babe--- este si Arthur?

"Ugh, 'wag ka ngang mag-isip ng ganyan, Alison," I said to myself aloud as though I'm a crazy little b1tch. "Kung may alam na siya, dapat kinonfront ka na niya diba? Tama. Wala siyang alam. Stop overthinking. Wala silang alam. Nagkataon lang yun. May wild hypothesis lang si Sir Ezekiel dahil narinig niya yung monologue mo kanina."

I smiled confidently to myself. Yea, right. I've learned my lesson; never talk to myself in public in order for it not to happen again. Narinig lang ni Sir Ezekiel yung monologue ko at wala talaga siyang alam. That's it.

"Hoo!" I expelled a loud sigh as I calmed down myself. Buti nalang, unti-unti nang humupa ang kaba sa dibdib ko kaya medyo kumalma na ako. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng emergency stairs.

As usual, puro busy na naman ang mga employees sa department namin. So, I walked in queitly as I roamed my eyes to the place. Chineck ko ang watch ko to know what time is it and my eyes bawled out when I found out it's already 7pm! 7pm na?! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapatawag ni Arthur sa office niya. Ito na yata ang matatawag mong literal na overtime ng bisita niya sa office ni Boss. As in, wow ha! Kanina pa yung tanghali. Naglunch na nga ako sa pantry dahil hindi na ako naalala ni Sir na yayain na maglunch, tapos pati ba naman ngayon?

Napabuga nalang ako sa hangin at binilisan ang lakad ko patungo sa office ni boss. Hindi na 'to tama. Nag-ooverstay ang bisita... kaso natigilan ako nang pagkapihit ko ng doorknob ng office ay wala na akong naabutang tao sa loob.

Pumasok pa ako at chineck ang lahat ng sulok ng office at pati na rin yung personal bathroom ni SIr sa loob kaso negative pa rin. Walang Boss Babe. Walang Lauren. Walang tao.

"Sh1t. Nang-iwan talaga," I cursed down to myself. I grabbed my stuff and went out of the office with my brows almost met. Patungo na sana ako nun sa elevator nang marinig kong tinawag ako ni Kris.

"Alison!"

Huminga muna ako ng malalim at inalis ang pagsalubong ng kilasy ko bago ko siya hinarap. "Hmm?"

"Aalis ka na?" tanong niya at tumango ako. Umalis na ang boss ko e, alangan namang magstay pa ako dito. "Pinapasabi pala ni Sir Arthur na may emergency business meeting daw siya with the board of directors. Pwede ka na raw umuwi."

I gritted my teeth in annoyance. Like what the hell? Ako yung naturingan niyang executive secretary tapos ako itong walang alam sa schedule niya? Diba dapat kasa-kasama niya ako sa mga meetings at appointments niya dahil ako ang E.S niya?

Kumalma ka, Alison. Kalma lang...

"Kasama niya ba si Ma'am Lauren?"

Tumango siya. "Oo, palagi naman yung magkasama."

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon