26. Girlfriend

170K 5.1K 643
                                    

26. Girlfriend

Syempre, kinilig ako! Hindi naman ako manhid para hindi maapektuhan sa sinabi ni Arthur. Duh? Babae din naman ako. May romantic bones sa katawan. I'm already his daw? Gah! As if!

"Take care, baby. Lagi kang makinig sa teacher mo huh?" I planted a kiss on Venice's little forehead before I gave her a hug.

"Yes, Mom! Dad, bu-bye!" Yumakap muna siya kay Arthur bago pumasok na nang tuluyan sa school. We stayed still for a moment hanggang sa tuluyan nang nawala sa paningin namin si Venice.

As Venice finally disappeared into the school, I looked back to see Arthur looking at me. Napangiti nalang tuloy ako sa sarili ko. Sa mga ganyang tingin niya, I feel like I'm the most beautiful wife in the world.

Ehem.

"Boss Babe, pasok na tayo sa office?" naka-smile kong sabi sa kanya.

Hindi naman siya kumilos, bagkus, nakatingin lang talaga siya sa akin. Ginalaw0galaw ko nga yung brows ko as though questioning him... "What's the matter?"

Ngumiti lang siya. Sh1t! Ngiti lang yun pero parang nagwala na yung internal organs ko na para bang nagpaparty sila sa loob. Crap! Nababaliw na nga yata ako.

"Wala. Tara na nga," sabi niya at nabigla ako dahil kinuha niya yung kaliwang kamay ko. Namimilog tuloy ang mga mata ko habang naglalakad kami nang magkahawak-kamay.

Oh my God, I am seriously in love with the idea of suddenly grabbing my hand by a guy tapos magpupumiglas ako dahil kunwari ayaw ko pero gusto ko talaga, pero magpupumilit siya kasi gusto niyang mag-PDA kami. Ganun din kaya siya? Let me try.

"Arthur."

Tumingin siya sa akin. Take note, ang bagal talaga naming maglakad. Parang naglalakad lang sa buwan. "Hmm?"

Ngumiti ako ng pilit bago ko inginuso yung kamay naming magkahawak. "What?" He asked innocently. OMG. Ito na yata. Ayaw niya yatang i-let go ang kamay ko.

"Sabi ko, yung kamay ko."

Nadismaya ako nang bigla niyang binitawan ang kamay ko. Yung para bang nagpakawala lang ng kalapati. Bwisit! "Kung ayaw mo, edi ayaw mo. Ikaw na nga dyan ang hinahawakan e." Aba't nag-walk out pa!

Napasimangot nalang tuloy ako habang pinapanuod siyang maglakad palayo. Sinira niya yung fantasy ko. Sana man lang nagpumilit siyang hawakan ang kamay ko.

Tumakbo na ako palapit sa kanya nung makita kong sumakay na siya sa kotse. Nawala nga lang yung pagiging gentleman niya kasi hindi niya ako pinagbuksan ng pinto sa passenger's seat, kaya sumakay nalang ako nang mag-isa.

I studied his face when he finally climbed into the driver's seat. Bumalik na naman siya sa serious mode niya pero may kaunting kunot sa noo. Narinig ko pa nga siyang nag-'tsk!' nang paandarin niya na ang kotse.

"Uy, galit ka?" Sayang naman ang ganda ng weather kung galit si Boss Babe. Ang ganda pa naman ng gising namin kanina. First time kong magising nang nasa tabi ko pa rin siya. Sabay kaming nagbreakfast at sabay kaming nagshower.

Joke! That's so absurd, people. Ano siya, sinuswerte?

"Stop grinning," bigla niyang sabi sa gitna nang katahimikan. Ano raw?

I furrowed my brow. "Who's grinning?"

"Sino pa? Alangan ako?" He questioned me back.

Hindi makapaniwalang tinuro ko ang sarili ko. "So, ako?" He didn't utter a word so that would mean it's me. "Ba't naman ako ngingiti-ngiti dito eh wala namang reason to grin? Nababaliw na ba ako?"

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon