25. Kunwari

156K 5.7K 821
                                    

25. Kunwari

Kunwari wala akong narinig. Ayoko namang basagin ang trip ng mag-ama kaya pinili kong mag-pretend na walang narinig at umaktong nanunuod ng TV habang kumakain ng pizza. The moment I heard some footsteps coming out from the kitchen, I tilted my head to its direction...innocently. Dyan ako magaling, ang umarte.

Magkahawak-kamay ang mag-ama na lumabas ng kitchen. Tumingin pa nga sila sa akin saglit or more like just a glimpse dahil umiwas agad sila ng tingin. Aba! Pinaninindigan nga na hindi nila ako bati.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa dumaan sila sa likod ko. "Babe, Venice. Kain tayo?" alok ko pero hindi man lang ako nila tinignan.

"Venice, go upstairs. Wash up and sleep." I heard Arthur told Venice. Kumuha ako ng tissue para punasan ang mga kamay ko bago ako tumayo para lapitan sila.

"I'll wash you up, baby. Ako nalang," I said, volunteering. Gusto kong malaman kung hanggang kailan nila kayang tiisin ako.

Nagkatinginan naman ang mag-ama. Yung mga tinging walang imik pero idinadaan nalang sa mga matang nangungusap. Gusto ko tuloy matawa sa arte nila. Pwede na.

"C'mon, Venice." Hahawakan ko sana siya sa kamay nang bigla siyang tumakbo kay Manang na kakalabas lang ng kwarto. Yumakap pa siya sa bewang nito at umiling sa akin.

"Manang is going to wash me up, Mom."

Tumaas tuloy ang kilay ko habang sinusundan ng tingin sina Venice at Manang na pumapanhik sa hagdanan. Wow. Kung hindi ko siguro na-overheard yung usapan nila ng Daddy niya sa kitchen, siguro maniniwala nga akong hindi nila ako bati.

Speaking of his daddy, I could sense that he's looking at me kaya naman tumingin ako sa kaliwa ko. I smiled to myself as I caught him look away quickly, avoiding my gaze.

"Hey, galit ka pa sa akin?" I asked curiously. I just want to know his answer to my dumb question.

Kaso imbes na sagutin niya ako ay hindi niya man lang ako pinansin. Iniwan ba naman ako't pumanhik na rin sa taas!

"Uy, Arthur." Sinundan ko siya hanggang sa kwarto namin. Isa-isa niyang tinatanggal ang suot niyang damit. First is his coat na inihagis niya sa sahig kaya mabilis ko yung kinuha. "Arthur, baka naman pwedeng bawiin mo yung sinabi mo kanina?"

Tinanggal niya naman ang tie niya na mabilis kong nasalo. Nilapag ko muna iyon sa sofa at saka siya hinarap. He was glowering at me, looking really annoyed. Uh oh.

"What has been said is said. Walang nang bawian," he said, looking dagger at me.

Sumimangot tuloy ako. Ano yun? Siya lang ang pwedeng magalit? "Ang daya mo ah! Pumayag ka nang may day-off ako tapos bigla nalang magbabago yang isip mo without considering my side?"

"Aren't we finished arguing about this, Alison? Napag-usapan na natin kanina 'to ah."

Umirap ako at tumingin nalang sa kaliwa ko. With my arms crossed, I heaved out a heavy sigh. Alam kong nagkukunwari lang siyang galit pero... sh1t naman! Nadadala rin ako e.

"Sabihin mo nga, Arthur. May bipolar syndrome ka ba?" sabi ko bago ko siya balingan ulit. Naupo naman siya sa gilid ng kama at pinakatitigan ako ng mabuti.

"Before you accuse me of having bipolar syndrome, are you sure you know what is that all about?"

Natameme ako. Wait. Hahalukayin ko muna sa utak ko ang meaning ng bipolar. Ang alam ko kasi, paiba-iba lang yun ng mood. Moody kumbaga. Ugh! Ano ba, may gana pa siyang magtanong ng definition sa akin. "Ang hirap mo kasing spelling-in. Minsan umooo ka, minsan naman humihindi. Kapag umoo ka, bigla mo namang babawiin. Ang sakit mo sa ulo. Pabago-bago ka kasi ng isip. Daig mo pa ang babae."

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon