29. What Was That?

152K 4.9K 580
                                    

29. What Was That?

Abot EDSA yata ang nguso ko sa sobrang pagkabalisa ko. Sh1t naman kasi, sino bang hindi maba-bother sa attitude ko? Hello! I did not give him the benefit of the doubt. Basta nagalit nalang ako't inunahan siya. Hayyy... Hindi ko rin alam sa sarili ko kung ba't ako nagkakaganito. Ang OA ko masyado. Pakielam ko naman sa life niya diba? Ano nga lang naman ba ako? Isang hired pretend mom at executive secretary lang naman ako at siya ang boss ko.

"Eehh! Sa susunod nga, huwag ka nang impulsive, Alison! Yan ang napapala mo e." Kanina ko pa pinapagalitan ang sarili ko. Feeling ko kasi, kulang ako sa pangaral kaya ako lumaking ganito; spoiled brat.

Huminga ako ng malalim at ginulo na rin ang sarili kong buhok dahil sa frustration. "Hindi lahat ng gusto mo, natutupad at nakukuha mo, Alison. Stick that on your darn mind!" sabay higa at taklob ng kumot.

I'm wide awake for like... 8 straight hours. I tried sleeping naman pero failed e. Hindi ako makatulog. Nakokosensya talaga ako sa ginawa ko kay Arthur. Hindi naman ganun kakapal ang mukha ko para puntahan siya sa kwarto ni Venice. Alam ko naman kasing galit siya sa akin e.

"Argh!" Bumangon ulit ako at sumandal sa headboard ng kama. Bumaling ang atensyon ko sa sobreng nakalapag sa bedside drawer. Yan pa ang nakakadagdag sa konsensya ko. Yung lecheng ticket plane na yan. Three tickets papuntang Singapore? Treat niya siguro sa amin ni Venice yan dahil sa naka-close niyang deal. Hayy! Bahala na nga. Magsosorry na nga lang ako.

Nag-ayos muna ako ng sarili at nagpractice saglit sa harap ng salamin kung paano ko siya i-aapproach. Inayos ko ang buhok ko into a ponytail before I pouted my lips.

"Arthur..." Nagpaawa face pa ako sa salamin as if kaharap ko na si Boss babe. "Sorry na. Hindi na mauulit." Stop. Aish! Para namang pa-bebe ang dating ko nun! Iba nalang.

Tumikhim muna ako bago ngumiti ng alanganin sa salamin. "Arthur, sorry na. Hindi ko naman alam e. Bati na tayo, please? Patawarin mo na ako." I said, batting my lids kaso... fcvk naman! That is not so me! Para namang ang flirt ng dating ko nun. Tss. Napabuga nalang ako sa hangin. Iba nalng...

"Psst! Bati na tayo. Arte naman nito! Sorry na kasi," nakataas ang isang kilay na sabi ko pero... "Ako na nga ang may kasalanan pero ako pa ang nagmamaangas. Hindi pwede. Bahala na nga! Basta, magsosorry ako!"

I took few deep breaths before stepping out of the bedroom. Grabe ang kaba sa dibdib ko habang naglalakad ako palapit sa kwarto ni Venice. Hoo! Kaya ko 'to.

Kakatok na sana ako nang mahinto sa ere ang closed fist ko. Bakit ako kakatok kung pwede naman ako mag-sneak in? Mas magandang entrance yun in scenes like this. Okay.... Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at sumilip ng bahagya.

Tulog pa... Napakagat tuloy ako sa labi. Should I come in or not? Bago pa ako makipagtalo ulit sa sarili ko ay pumasok na ako nang tahimik. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila, avoiding to make any noise. Napanguso ako lalo nang makita na mahimbing na natutulog ang ama. Venice's in her Dad's arms, sleeping comfortably. Napatingin tuloy ako sa digital clock. 7AM na. Bakit hindi pa gumigising si Arthur?

Kakalabitin ko sana siya nang unahan na naman ako ng hiya. Holy tacos! Hindi hiya 'to e, nailang talaga ako. Ang gwapo pala talaga ni Boss babe kahit natutulog. Ang kinis ng mukha, parang hindi na-i-stress. Yung kilay niyang bahagyang makapal, talo pa ang kilay ko sa perfect shape. E mas lalo na yung.... wait, napakagat tuloy ako sa labi ko nang bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Holy sh1t, wala naman akong nakikitang lipbalm sa kwarto namin pero bakit ang pupula ng labi niya? Parang ang sarap hali---

Napaatras ako. Gumalaw kasi si Venice. Sa pagkataranta ko ay lumabas na ako ng kwarto. Isasarado ko na sana dahan-dahan ang pinto nang...

"Good morning."

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon