37. Big Catch

162K 5K 717
                                    

Chapter 37

"Kanina ka pa tahimik."

I sighed deeply. Talagang kanina pa ako tahimik. Para nga akong hindi nababagay sa lugar na ito. Lahat ng tao dito ay masaya, enjoying this wonderful place. Ako lang yata ang upset na upset na tao ngayon dito sa USS. Nadala kasi ako sa kinuwento ni Arthur sa akin.

"Alison."

Huminto ako sa paglalakad nang hawakan ni Arthur ang siko ko. Nasa Lost World park kami nun dito pa rin sa loob ng Universal Studios. Since obviously it's a Lost World park, inspired ito sa movie na Jurrasic Park. Kaya naman puro sound effects at attraction na inspired sa dinosaurs ang naririnig at nakikita namin. Kahit na ganito kaganda dito, hindi pa rin madistract ang utak ko sa pag-iisip sa sinabi sa akin ni Arthur kanina. May parte sa akin na naguguilty.

Humakbang siya sa harapan ko at tinignan ako ng mabuti. At dahil matangkad siya ay pinilit kong mag-angat ng tingin sa kanya. "We went here to enjoy, Alison, pero bakit nakabusangot 'yang mukha mo? Ayaw mo ba dito?"

"Hindi naman sa ganun."

"So, what's bugging you then?"

Dinala ako ng sarili kong mga paa papunta sa rails ng Jurrasic Park Rapids Adventure at dun sumandal. Kahit na busy yung mga mata ko sa panunuod nung mga taong nag-eenjoy sa boat-like ride na iyon ay hindi ko magawang ma-amaze. Naguguilty talaga ako kay Arthur sa hindi malamang dahilan. Siguro kasi, ginugulo na ako ng konsensya ko. Hindi ako nalalayo sa nanay ni Venice. Biglaan din akong dumating sa buhay niya tapos in no time, may posibilidad na umalis din ako ng biglaan. Shet naman! Syempre aalis ako. Hindi naman habangbuhay ay magpapanggap ako. It's all in the contract afterall!

I felt Arthur nudge me in my elbow. Katabi ko siya sa rails at nakatitig pa rin sa akin. "Hey, tell me. Is that because of my dramatic story?" he chuckled like it's not a big deal to him. "If it is, then drop it, Alison."

Nangalumbaba ako sa rails at nagmukmok. "Eh kasi nakokonsensya na ako."

"Nakokonsensya? Saan?"

Oh, shoot! Pasimpleng nanlaki ang mga mata ko sa lumabas sa bibig ko. Dahek, Alison! You won't say your reason, right? Tell me, you won't. "Ah, kasi. . ." Reasons, I need fvcking reasons! "Ano," kumamot ako sa ulo bago alanganing tumingin sa kanya. "Ano kasi. . ."

"Ano?" He impatienly asked.

"Ano kasi, kung ano-anong iniisip ko kung bakit ka iniwan ng Nanay ni Venice." Lumunok muna ako para bumwelo. This is half truth half lie. Bahala na. "Akala ko, kaya ka niya iniwan kasi. . . masungit ka. Arogante pa."

Gusto ko sanang bawiin yung sinabi ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin pero nagtaka ako nung tumawa siya. "Napakababaw naman niya kung yun ang dahilan niya. Pero Alison, hindi kasi ako ganito dati." His voice turned serious. Unti-unting humihina ito. Natuon ang atensyon niya sa rides na nasa harapan namin. "I used to be a funny and happy-go-lucky person pero matapos ang nangyari, nagbago ako. You know, Toffer right? I was exactly like him minus the Mama's boy part of him."

Nadala na rin ako ng ngiti niya. "Kaya pala ang sungit mo, at lagi mo pa akong binabara. May pinaghuhugutan ka pala."

"Nag-aral ka ba ng Psych?" Tumango ako. Nakakapagtaka lang dahil naipasok niya randomly ang Psych sa usapan namin. "Defence mechanism ko lang yung pagsusungit ko. This is what they called Reaction Formation."

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Actually, napag-aralan ko nga yata yan pero. . . "Ah, nakalimutan ko na yan, Arthur. Second year college pa yata ako nang tinuro yan. And please, don't lecture me. Graduate na ako."

He laughed along with me. Hayyy, buti nalang gumaan na kahit papa'no ang loob ko. Siguro dapat hindi ko muna isipin yung araw na iiwan ko siya. . . silang dalawa ni Venice. Besides, nagsisimula pa lang naman ako.

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon