45. Just The Two of Us

172K 4.6K 758
                                    

Chapter 45

Galit man o hindi si Arthur, mas pinili ko pa rin si Emma. Sorry, boss babe but Emma needs me more. Para kasi siyang batang nagmamaktol nang hilain ko siya sa kwarto namin. Ginigiit niyang hindi raw siya lasing kundi ay tipsy lang daw.

"Parehas din 'yon!"

Sumimangot siya at parang loka-lokang nangisay sa kama. "Eeeh! Hindi naman e. Nag-eenjoy pa kaya ako. Ang KJ nito!"

Nilapitan ko siya. Binato ko pa sa mukha niya ang unang nadampot ko. "Hoy, Emma Jane—"

I was cut off in mid sentence. Ano nga bang full name ng bruhang ito?

"Emma Jane... ano nga ba ulit?"

Bumangon siya nang nakasimangot pa rin. "Emma Jane Sevilla. 21 years old. Quezon City!!" sagot niya na parang overacting na beauty queen. Napailing nalang ako sa sarili. No doubt. She's crazily drunk.

Huminga ako ng malalim at tinabihan siya sa kama. Kahit na mas ahead ang edad niya sa akin ng kaunti ay feeling ko, ahead naman ang maturity ko sa kanya. I've learned enough in life. I've learned so many things away from home.

"Emma," mahinanong tawag sa kanya. Inakbayan ko pa siya dahil natutumba-tumba na siya. "Jake is quite a dangerous type. 'Wag kang mahulog sa mga ganung tipo. Masasaktan ka lang sa huli."

Ngumuso siya sa akin. "Bakit? Kilala mo ba siya ng lubusan?"

I was caught off guard. To be honest, ngayon ko lang nakita't nakilala si Jake. Marahil nagpapaka-judgemental lang ako pero mas mabuti namang umiwas nalang 'di ba? In fact, kilala ko ang mga tipo ni Jake. Mabait sa umpisa, sutil sa huli.

Ganyang-ganyan si Garrett noon sa akin. Sa katunayan, nakikita ko ang sarili ko noon kay Emma. Ganyan ako kinikilig sa ex ko noon e. 'Yung tipong magpapaka-nice guy yung lalaki sa umpisa tapos arsehole naman kapag nagtagal. I knew better now!

"Hindi ka masagot?" singhal sa akin ni Emma. "Alison, ang bait ni Jake. Promise."

I rolled my eyes. "Kakakilala niyo lang kahapon." Masyado pang maaga para sabihin yan.

"Kaya nga. Magiging friends muna kami, of course. Step by step ika nga. Ikaw lang e. Masyado kang advance mag-isip!"

Tinignan ko siya ng matalim. Ang hirap palang magka-crush ng babaeng ito. Tumitigas ang ulo.

"Prevention is better than cure ika nga. Kaya sa halip na masaktan ka pa, umiwas ka na!"

Umirap naman siya sa akin at tumingin sa kawalan with those set of dreamy eyes oh ers. "But Alison, sometimes the cure is worse than the disease. So, why prevent it diba? Kung fate mo talaga na magkasakit, edi go. That's what you called love virus. Oha! Pak!"

Ngumiwi lang ako sa sinabi niya. It doesn't make sense, you know. Bago pa umabot sa love virus na yan, 'di ba dapat umiwas nalang muna in the first place?

Napailing nalang ako sa kanya. Iba ang logic ng babaeng ito.

"Gaga! Ewan ko sa'yo. Pumunta ka na nga sa CR. Clean yourself," sabi ko at umaktong inamoy siya. "You stink of liquor."

Natawa nalang ako nang bumelat siya sa akin at pasuray-suray na naglakad papasok sa banyo.

Nag-half bath lang ako pagkatapos ni Emma. Mahirap kasing patuyuin ang buhok ko. Gusto ko pa namang matulog na pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay naalala ko lang yung sinabi sa akin kanina ni Arthur.

"I do not know what I would do if I ever lost you, Alison."

"Akala ko, iniwan mo na ako."

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon