63. Text Message

150K 4.2K 776
                                    


Chapter 63

From: Boss babe

I'm sorry for hurting you last night, Alison. I hope you're fine now. I miss you.

Kahit kahapon ko pa natanggap ang text na ito ay hindi pa rin maalis sa akin ang pagsama ng loob. Masama na nga ang loob ko, nadagdagan pa ng tampo. Tampo kasi, dalawang araw na ang lumipas simula nang umalis ako nang walang paalam sa penthouse niya pero ni hindi man lang siya nag-abala na magtanong kung nasaan ako.

I miss him too damn much. . . pero masakit pa rin kasi sa parte ko ang nangyari nung nakaraan. Handa naman akong pakinggan siya kung anumang iniisip niya. Ano pa't fiancé niya ako kung sa mga bagay kagaya ng ganito ay hindi niya magawang ibahagi sa akin?

 Ano pa't fiancé niya ako kung sa mga bagay kagaya ng ganito ay hindi niya magawang ibahagi sa akin?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Humiga ako sa kama at kinagat ang labi ko. Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa text message ni Arthur.

"Maybe I'm just really a rebound to him because he can't fully trust me." Suminghap ako.

"Nagsasalita ka na naman ba ng mag isa dyan, Alison?" Biglang sumulpot si Emma sa pinto kaya agad agad akong nagtakip ng unan sa mukha ko. Nakakahiya na kay Emma. Nakikisabit na nga ako dito, nadadamay pa siya sa depression ko.

"Alison. . ." Naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko at pilit na kinukuha ang unan sa akin. "Mababaliw ka dito e. Dalawang araw ka nang nakakulong."

Tinanggal ko ang unan at humarap ako sa kanya nang nakalabi. "Bakit? Ayaw mo na ba ako dito, Emma?"

"No, it's not that! Kaloka ka. Nag aalala lang naman ako. Ni hindi ka na nga nasisikatan ng araw dyan," aniya. "Namimiss mo na ang mag ama mo, 'di ba? Bakit hindi ka pa umuwi?"

My frown deepened. I get it now. She wants me to go home already.

"Don't get me wrong, Alison." Aniya nang mapansin ang pagbabago sa reaksyon ko. "Walang mangyayari kung mananatili ka lang dito. Iniiwasan mo ang problema e. Seriously, you two need to talk this out. Kulang lang kayo sa openness at communication e."

I sat up quietly and my jaw tightened. Emma's words freed from deep within my mind.

"Okay. I got your point, Emma pero sana naman magparamdam siya na gusto niya na akong pauwiin. For the past two days I've been away from them, parang ayos lang sa kanya na wala ako. . . at naiinis ako kasi hindi ko kayang lumayo sa kanila. Kung alam mo lang, Emma miss na miss ko na rin sila."

I caught my breath and turned away then dipped my face on both of my palms. I am so hurt and frustrated. Natatakot ako sa nararamdaman ko para kay Arthur. Parang nakadepende na ang buhay ko sa kanya pero siya ay nakadepende sa iba. This is so unhealthy.

"Alison. . ."

Nag angat ako ng ulo at humarap ulit kay Emma. Pagod na akong umiyak. Ayoko na. "Paniguradong hinihintay niya lang akong umuwi kasi kampante siyang babalikan ko siya. He's so secured with me pero hindi ko maramdaman ang security sa kanya."

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon