13. Do's and Don'ts

161K 4.9K 587
                                    

13. Do's and Don'ts


SCARLETT


Minsan talaga, nabablangko ang utak ko sa mga unexpected situations kagaya nalang ngayon. Kailan pa ako naging dirty-minded? Na-mention lang ni Arthur ang salitang bedroom at 'us' kung ano-ano nang pumasok sa isip ko. Kunsabagay, bakit ba kasi sa buong parte ng penthouse ay sa bedroom pa kami mag-uusap diba?

"Write all the things that concern yourself. Let's have an agreement."

Inabutan niya ako ng malinis na papel at saka ng pen. Nasa loob naman pala kasi ng bedroom niya ang kanyang home office. Sige, Alison, panic pa more. Kung ano-ano kasing iniisip e.

"Kagaya ng ano?" Nakaharap ako sa kanya sa desk. Supposedly, nakatigilid dapat diba? Pero dahil like a boss ako, pinaharap ko yung upuan ko sa kanya and now we're face to face.

"Kagaya ng do's and don'ts. You have to be sweet and caring towards my daughter and that's a do." Sinulat niya 'yon sa papel bago siya bumaling ulit sa'kin. "Don't curse infront of my daughter or rather infront of anybody. That's a don't. Understand?"

Tumango-tango nalang ako sa kanya. Pahirapan naman yung don't curse thingy. Nasanay na pa naman akong mag-curse lalo na kapag excessive yung emotion ko. But that doesn't mean I'm a bad person. Fine, 'di na ako magmumura.

Nanahimik kami for like 15 minutes para mag-list down sa papel ng do's and don'ts namin. Syempre pinag-isipan kong mabuti yung mga sinulat ko. Concerning myself nga diba? Lahat ay pumabor sa pansariling kapakanan ko.

Inabot ko sa kanya ang papel nang matapos na ako. "Finished."

"Okay."

Pagkatingin ko sa papel niya, malinis pa rin iyon. Walang sulat. What the? Anong ginawa niya sa loob ng 15 minutes, nakipagtitigan sa papel?

"Let's start," sabi niya tapos kinuha yung papel ko at binasa niya. Pinanuod ko ang reaksyon niya. Minsan nangingiti, minsan umiiling nalang.

Nakakaconscious tuloy. "Concerning myself diba? 'Yan yung sinulat ko," I said defensively. Nilapag niya ang papel sa desk at saka pinatungan ng folder.

"Number 1, no physical contact?" sabi niya. Wow, irerecite ba niya?

"Oo naman. No physical contact. Let's just say I don't know you well. Hindi ko alam kung pervert ka or not. So, I think it would be appropriate if there's no physical contact, alright?"

He sneered arrogantly. "I'm sorry but that's insane." Sasagot sana ako pero... "Alam na ang anak ko na ikaw ang nanay niya. Would it be unbelievable if we act like lone wolves infront of Venice?"

Hindi agad ako nakapagreact sa sinabi niya. Medyo nag-pause kasi ang utak ko sa term na lone wolf. Ghad, 'wag naman siya sana ganyan everyday kundi maloloka ako.

"So, what do you want us to do? Maging clingy sa isa't-isa?" Wala sa bokabolaryo ko ang salitang clingy. Kinikilabutan ako, pwede ba?

He guffawed, "Exactly. Sa mata ni Venice, dapat maging convincing tayo na ginawa natin siya. Kung lalayo ka sa akin, hindisiya maniniwala. Besides, I already told her before that her mom and I made her with love."

"Grabe, pati ba naman 'yon sinabi mo sa bata?"

"Of course, so that she could feel how she's well-loved and special."

I couldn't help but to admire his love for her daughter. Ganun ba talaga kapag single dad? To think na nag-hire pa siya ng pretend mom for Venice. This guy deserves to be called a man.

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon