6. Signed

165K 4.8K 370
                                    

6. Signed


SCARLETT


Naguluhan ako sa sinabi ni Sir Toffer kaya yun na yung bumagabag sa isip ko buong araw. Yes, I stayed in the office the entire day doing nothing. Nandun lang ako sa pantry. Nakaupo at painom-inom lang ng kape. Ano pa bang gagawin ko dito?

Tinitigan ko lang yung contract. Okay na siguro yung 30K a month. I already scanned the whole agreement earlier and it was okay. Basta ba may reasonable salary, aayaw pa ba ako?

"Mapirmahan na nga," sabi ko sa sarili ko at napatigil nang marealize kong wala akong pen na dala. "Aish..."

Tumayo ako habang dala-dala ko yung contract ko at saka ako dumiretso sa department kung saan nandun yung mga empleyado. They were so busy kaya nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba yung panghihiram ko but oh well, nandito na rin naman ako.

"Miss, excuse me." Tumunghay lang yung babaeng nilapitan ko. Nasa first cubicle kasi siya. "Pwedeng makahiram ng pen?"

"Sure," sabay ngiti niya. Inabutan niya agad ako ng pen. "Maupo ka muna dyan. Ikaw yung E.S diba?"

Naupo naman ako at pinirmahan na ang contract ko. "Yes, I'm Scar-- I mean, Alison. Alison Ramirez."

"Ako naman si Kris. Isa ako sa mga accountants dito."

"Nice to meet you," sabi ko nang nakangiti. She looks kind unlike to others na wagas kung makatingin at pinaparamdam sa akin na bawal ang newbie dito. "Matagal ka na dito, Kris?"

"Mag-iisang taon na rin. Sana tumagal ka rin dito. Masayang mag-work dito," sabi niya tapos bahagya siyang lumapit sa akin, "-- lalo na't direct boss mo pa si Sir Arthur."

Nasamid tuloy ako sa sinabi niya. As in, naubo ako. Pagkasabi niya kasi nun, parang pa-tweetums pa siya. Dahek, kilala akong liberated sa University namin at allergic ako sa mga pa-girl masyado. Yung pahinhin effect ba.

"What's good in Sir Arthur?" walang kyeme kong tanong sa kanya.

She smiled dreamily and sighed. Nawiwirduhan na ako sa kanya, swear. Halatang crush niya si Sir Arthur. "He's good at everything. Napaka-smart niya."

Actually, hindi na ako attracted sa mga smart kuno. I had the smartest boyfriend in our university but he ended up like some kind of a dumb for dumping a pretty girl like me.

"Tapos, super serious niya," dagdag niya pa kaya pasikreto ko siyang inikutan ng mata.

My ex boyfriend was also serious but he treated me like a joke.

"Kapag nasa mood, nakikipagbiruan siya sa amin. At huwag ka, napaka-caring pa niya," sabi niya saka ito humagikhik na akala mo ay highschooler. Sheez. "Swerte mo, Alison. Ikaw ang kauna-unahan niyang Executive secretary."

I looked to her weirdly. "Ako? really?"

"Oo. Kaya nga nabigla kami dito nang bigla nalang siyang magpahanap ng E.S last month. Eh meron naman siyang secretary. Yun nga lang--" putol niya sabay bulong, "-- lalaki."

"Oh..."

"At boyfriend ko pa," sabay hagikhik niya. Napapoker face nalang ako. Wagas siyang kinikilig kay Sir Arthur tapos may boyfriend na pala siya. Tch. This girl is crazy.

"Wait... Speaking of, 'yan siya o," sabi pa niya kaya nilingon ko yung tinitignan niya. There's this guy in a suit walking towards us. In fairness, ba't lalaki ang secretary ni Sir Arthur?

"'Ga, may inutos na naman sayo si Sir Arthur?" tanong ni Kris dun sa lalaki tapos tumango lang siya. His name must be Ga. Weird ng name ah.

"Pinapatawag sa akin si Alison e."

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon