Yugto 1: Pagpasok

52 3 0
                                    

Yugto 1: Pagpasok

Unang pagpasok sa paaralan, nakilala ko na ang aking mga bagong kaklase. Ang iba'y bago sa aking pandinig at paningin at ang iba'y pamilyar sakin. Pero may isa dun na napusuan ko haha, cute kasi eh. Nakaupo ako sa harap non tas nasa second row siya. Tahimik at alam kong may ibubuga. Ngunit nung panahong iyon, di ko pa inaamin sa sarili ko na tinamaan ako pero di ko nalang pinansin.

Ang babaeng tinutukoy ko ay dala-dala ang pangalang "Lian Mae" na naging kaklase ko dati noong grade 9 sa parehong paaralan. Di ko inakala na maganda pala at maputi siya sa personal hahaha!

Nung gumagawa ako ng activity kasama ang aking mga kaklase, inamin ko sa isa kong kaibigan na si Angela na crush ko yung close niyang kaibigan.

Si Angela ay bago pa nun or "transferee" at naging close kami kaagad hahaha. Dahil ako yung nasa harap at siya yung nasa likod. Kinakausap niya ako at ang hina ng boses ko na di ko maintindihan. Later on, nalaman kong naging magkaibigan na rin sila ni Lian Mae dahil magkapitbahay ang mga ito.

Di ko na talaga mapigil ang aking damdamin kaya't ako'y umamin na. Ewan ko lang kung narinig ni crush yun kasi katabi niya rin yung sinabihan ko😅.

Pag-uwi, ka-chat ko naman yung kaibigan kong yun at binahagi naman niya sakin yung mga hilig pala nung crush kong ito. Mahilig pala sa wattpad at magaling sa math kaya mas lalo pa akong humanga.

Monday at Tuesday ang pasok namin kaya, yung Wednesday-Sunday nagpeprepare ako nang sasabihin kay crush hahaha, kilig pa ako nun.

Ayyyy! Sabado, Linggo umalan bwisit, nagsuspend pa ng pasok. Pero ok na rin para mas makaprepare pa ako hahahaha.

Tuesday, may pasok na ulit kaya handa na ako. Sa flag ceremony palang nakatayo na at ayun na nga, dumaan si crush at siya'y nasa aking tabi. Medyo kinikilg ako pero di ko lang pinapahalata.

Ang hirap ding magvoice out sa kanya kasi tahimik lamang siya. Di ko mabuka ang bibig ko. Di ko masabi ang gusto kong iparating sa kanya. Hiyang hiya talaga ako sobra.

If you liked this chaoter, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now