Yugto 23: Moving On

1 1 0
                                    

Yugto 23: Moving On

Habang tumatagal, napagdesiyunam kong i-let go nalang ang nararamdaman ko. Siguro tama rin ang mga kaibigan ko, sina Henz, Siguro iniisip lang nila ang ikabubuti ko.

Idol na idol ko si Cardo Dalisay. Paborito ko lagi panoorin ang mga nakalipas na episodes ng serye nito sa Youtube. Ginamit ko ito na paraan para na rin mabilis makamove on. Noong panahong ako'y nagmomove on, hindi ko pa rin maiwasang iwan siya at hindi kausapin pagkat sa isip at puso ko kaibigan ko pa rin siya kaya mahirap sa akin na mang-iwan ng kaibigan.

Ito lang ang naging mali ko habang nagmomove on ako. Nananatili pa rin ako sa tabi ng taong di ako gusto ngunit gusto kong mawala ang nararamdaman ko. Mahirap at imposible yun diba?

Dahil sa pagkaidolo ko kay Cardo Dalisay, kahit sa klase ito'y binabanggit ko dahil isa itong paraan para mabura ko sa isip at puso ko ang isang pag-ibig na hindi nararapat. Mahirap ito pero sa tingin ko'y parang umuubra.  Ngunit dahil dito, minsang hindi na nagugustuhan ng iba akong kaklase ang nagiging gawi ko. Nagtataka sila sa nagiging aksyon ko bigla. Pero hindi ako kumibo dahil wala naman akong pakialam sa kanila.

Pinagpatuloy ko lang ito kahit na wala silang pakialam kasi malungkot ang aking kalooban na hindi nila alam at ang lahat ng sakit sa loob ng puso ko ay binabawian ko ng kasiyahan pagdating sa labas na anyo ko. Sobrang hirap ng pagtitiis ko sa sakit na dala dala ko at sobra ang nilalabas kong kasiyahan para makalimutan ko ito. Ngunit hindi ko namamalayang nagiging iba ang mga kinikilos ko na masabing lumala na raw ako. Palibhasa hindi nila alam ang pinag-uugatan ng mga kinikilos ko kasi wala silang alam.

Habang ginagawa ko ito, nagfofocus din ako sa pag-aaral. Bumabawi ako sa third quarter at bumabawi na bumalik ang dating ako. Ang dati kong sigla na gusto ko rin ipakita pero minsan, naisip ko na habang tumatagal ang school year, para bang nag-iiba na kami sa isa't isa. Parang nakikita ko na ang pagiging toxic nila at yung dating kami, parang naglalaho na ng konti.

Akala ko dati, kung ano ang estado namin na masaya ay mananatili pero kalaunan, parang nagsawa na ako sa ugali nila at nanibago.

Sana, sa pagsalubong ng Marso, bawi naman na maging masaya ulit ako.

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now