Yugto 36: Madilim

0 0 0
                                    

Yugto 36: Madilim

Sa nasabi kong ito, nagalit sa akin si Rose Ann at agad nakuwento kay Henz. Maging si Henz di ako kinampihan. Siguro nga'y pagkakasabi ko ay mali pero di ba nila maintindihang protective lang ako? Nagmamahal din ako?

Pagkatapos ko magmisa sa church na kinabibilangan ko, wala, hindi ako pinanindigan ni Henz kaya ako nanaman ang mali. Palagi naman eh.

Kinabukasan, unang araw ng Mayo at walang pasok. Naghakot na ako at ang aming pamilya para sa bago naming titirhan. Parang ayoko magpakita sa lahat ng mga kaklase. Ang pait malasahan na wala eh, wala namang makikinig sa akin. Yung kanta ni Calein na "Umaasa", parang tumatak sa akin, sa parte na "Ibabalik ang nakaraan, ibabalik ang pinagmukan." Pero alam mo sa sarili mo, na hindi na ito babalik pa.

Klase:

Ayokong magpakita sa klase dahil sa posibilidad na may pagkakamali akong malalaman ng iba. Kahit sina Henz ayaw akong kausapin.

Nung lumapit ako kay Henz, nasa tabi siya ni Zylo at di siya tumabi sa akin. "Dun ka nga" Bigkas ni Zylo, kala mo naman eh, ang yabang naman niya. Porket mali gaganunin ka na?

Wala akong maiharap sa kanila kaya bumabawi nalang ako sa academics. Panahon naman para asikasuhin ang sarili. Si Rose Ann ay di ko nagawang kausapin. At ito ang ginawa kong paraan para mabilis makamove on sa kanya. Nagbigay muna ako ng space para maliwanagan at malamigan ang lahat. Siguro ngayo'y galit pa siya.

Pinagtiisan ko ito hanggang sa buong unang linggo ng Mayo. Ganun talaga, may nagawa akong kasalanan at kailangan kong harapin ito. Wala akong masabi nito pero kay Angela na lamang ako sumasama. Kahit nagawa niya iyon, agad ko rin siyang napatawad. Sinubukan kong kausapin si Abegail ngunit kahit siya, hindi ma-convince si Rose Ann kaya pinalamig ko muna ang sitwasyon.

Online Class Ulit at ant Born Again:

Sa online class, wala ulit akong kaibigan kasi nga iniwan nila ako. Pero I was trying to reach up kina Henz kasi ayokong maiwasan. Pero I said to myself online lang, panandalian lang ito at may plano si God. Sinubukan ko ulit magpaliwanag kay Rose Ann sa chat pero di niya ako pinansin.

Unti unti naman na rin akong kinausap nina Henz at ang tropa  pero may tampo pa rin sila, pero dito pinipilit nila akong maging "born again" para tuluyan na akong magbago. Dahil sa galing nila magsalita, napapayag nila ako. Pero hindi ko rin kayan iwan yung Catholic church na pinagsisilbihan ko kaya nagdalawa pa rin akong religions.

Habang tumatagal, medyo naging okay na rin kami. Siguro pilitin ko nang magbago. Iwan ko na nakagawian ko, isakripisyo si Rose Ann at magfocus ako sa pag-aaral at pananalig sa Panginoon. Kaya nitong online class, pinagtutuunan ko ng pansin ang mga assignments at pagrerecite sa klase para magboost man lang ako, madaling maka-move on at matanggap ang buong katotohanan.

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now