Yugto 39: Service

0 0 0
                                    

Yugto 39: Service

Paminsan minsan, chinachat ko si Lourdecel pero maiklian lang. May pagkakataon na nagbrown out tapos sa buong street na iyon ay brown out. Kaya chinat ko siya kasi parehas kami naiinitan hehehe.

May mga pagkakataon na nagchachat ako sa kanya pero minsan di siya nagrereply. Napapaisip ako kung bakit tsaka online naman siya pero baka busy lang. Iyon lang isipin natin guys hehe.

Isa rin si Lourdecel sa dahilan kaya nagboost din ako sa pagseserve sa church.

May mga pagkakataon na sumasama ako sa kanya kapag kasama niya mga kaibigan niyang babae. Parang ito yung naging daan para makipag-socialize ako sa mga churchmate ko. Sa nakikita't napapansin ko gusto naman din ako ni Lourdecel at parang di naman siya lumalayo. One time sinabi rin ng papa ko sa akin na parang gusto ako ni Lourdecel kasi boto si papa sa akin kay Lourd hehe.

Sa klase o kaya sa iba, hindi ko pa siya nakukuwento kasi hindi naman nila kilala si Lourdecel at kahit sa my day ko wala siya.

Bagong Buhay:

Mga 7 ng umaga ng linggo, ako'y nagising dahil sasamahan ko ang aking mga magulang papuntang Bulacan para bumili ng mga halaman bilang dekorasyon sa bago naming tahanan. Nakauwi kami ng mga 10 ng umaga upang magpahinga samandali. Makalipas ang dalawang oras, bumalik kami para bumili ulit.

Sa church mag-isa lang akong nagsimba dahil abala ang aking mga magulang sa pag-aayos ng bahay.

Pag-uwi, bago umalis, pumunta ako ng sacristy para ayain sana si Lourdecel kung pwede sabay na kaming uuwi, ngunit sinabi niyang kakausapin pa siya kaya umuwi nalang ako ng mag-isa. Sayang naman ang pagkakataon hehe.

Kinabukasan, walang pasok ng Lunes dahil holiday kaya di namalayang 10:45 AM na ako nagising, tapos maayos na ang PS3 ko kaya nagsimula ako na laruin na ito, halos inabot ng 3 oras ang paglalaro ko at di ko napansin ang oras.

Balik Eskwela:

Sa pagsisimula ulit ng klase, nagising ako ng 5:20 AM para maghanda. Masaya naman ang araw sa paaralan ngunit nakakapagod nga lang. Uwian, sumabay ako kina Rose Ann at Angela sa pag-uwi, namiss ko lang na sabay kaming uuwi dahil lagi kong kasama sina Henz.

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें