Yugto 7: May Iba Na

20 1 0
                                    

Yugto 7: May Iba Na

Habang tumatagal, naramdaman ko na hindi na ako kumportable sa kanya.

Wala na ba akong pag-asa kaya kailangan ko nang bumitaw? O dahil nakahanap na ako ng iba?

Dalawang araw nang liban sa klase ang isa kong kaklaseng babae. Siya ay si Jam. Nung kinagabihan ng linggo, chinat ko siya.......

Conversation:

Me: Hi (name), kamusta ka na? Get well...

Her: Ayos naman na, kaya na makipaghampasan kay Granny haha
She added "char"

Me: Haha, wag naman, gusto kita maging okay
I added "Sa totoo lang namiss kita eh"

Her: Reacted 🤩 to your message

Maya maya, kinwento ko ito sa mga kaibigan kong babae, sina Rose Ann, Angela at Abegail. Sinabi ko na kausap ko itong si Jam at parang may naramdaman ako. Tingin ko nga baka may lihim na pagtingin na ako sa kanya. Tinanong naman nila "pano na si Lian Mae?"

Mas napaisip ako na siguro kailangan ko na siyang palayain sapagkat hindi na niya talaga ako gusto.

Hindi ko sinagot ang tinanong nila.

May Bagong Hinahangaan:

Kinabukasan, pasukan na naman pero nag-iba ang ihip ng hangin. Parang lumalapit ako sa ibang babae. At ito'y siya na nga.

Inaya ko siyang bumaba sa kantin pero sabi niya hindi raw. I also took the chance para mas magkakilala kami. Nalaman ko na siya'y wattpader, twitter user and good in art. Kumbaga artistic. Wait! Parehas kami ng mga characteristics. Di kaya siya na ang para sakin?

Nalaman ko na may kaklase/ matagal kong kaibigan rin ako na nagkakagusto naman sa kanya. Owang ang kanyang "nickname" na lagi naming tinatawag sa kanya. Sabi naman niya na hindi siya nagseselos pero ok lang na magcacrush ako sa kanya. Inaamin ko minsan naiinggit ako na magkasama sila.

Pag-uwi, kachat ko si Jam ulit at kinuha ko na ang oportunidad para makausap siya pero nararamdaman ko ang hiya kapag kaharap siya.

Maganda ang pag-uusap namin at mabait nga siya. Mas mabait siya at madaling lapitan kaysa sa nakaraan kong crush.

Dumating din ang araw na nasira ang pakikipagkaibigan namin ni Rose Ann. Akala niya ata na I've cheated. Masakit pero wala akong nagawa.

Pagsapit ng Friday, nagpagawa ng activity ang aming guro na ano ang nahanap ko sa aking paaralan. Isa sa nabanggit ko ay nakahanap ng magandang inspiration at sabay na nagbigay ng message sa kanya sa harap ng klase.

I said "Sana'y lagi kang masaya, ipagpatuloy mo lang ang mga pangarap mo at pagpalain ka nawa ng Diyos." Kinilig din ang mga kaklase ko sheeessh. Sana siya rin.

Ang mga ka-friendship kong babae, nasira pagkakaibigan namin pero may isa pa akong mga ka-friendship, yung mas una kong mga kaibigang lalaki. Mga kaibigang iniwan ko dahil sa maling tao. Bumalik ako sa kanila at ok parin ang samahan namin. Solid na solid talaga haha.

Inisip ko lamang na panandalian ang galit ng mga babaeng close friend ko at balang araw, maiintindihan din nila ang lahat. Hindi ko muna sila kinausap o pinansin at binigyan ko sila ng panahon para maayos at pag-isipan ang lahat.

Sinabi ko rin ito kay Jam at sabi niya, " I hope na magkakaayos kayo."

If you liked this chapter, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now