Yugto 24: Marso

3 1 0
                                    

Yugto 24: Marso

Marso na at sana'y panibagong yugto ng buhay ko, na sana lumisan na lahat ng naramdaman ko mula Enero hanggang Pebrero. Di ko na kasi kayang maisikmura eh.

Heto pa rin ako, nagmomove on kahit mahirap pero yung mahirap dun yung piliting makumbinse ang sarili na hindi na magiging kami. Pero pilit pa rin akong nagpumilit, yung sa parte na lagi ko pa rin siyang kausap. Ngunit sabi ko magmomove on ako pero dapat hindi mawala ang komunikasyon namin sa isa't isa.

Sa kaagahan ng Marso, walang pasok dahil mayroon daw "Jeepney Strike" kaya pansamantalang sa "online class" muna babad ang mga estudyante. Pero dito, biglang nanumbalik si Rose Ann dahil napansin kong madalas na niya akong chinachat? Ano kaya? Nawala na yung pagkailag niya sa akin?

Usap:

Noong panahong iyon, maraming pinapagawa rin ang mga guro sa online class. Babad din mata ko sa kompyuter kasi kailangang matapos at habang gumagawa, nag-uusap kami, tapos nagtutulungan, tapos nagkakabiruan pa. Hindi lamang siya, pati rin sina Angela, Abegail ka-chat ko pero sa private message lang pero si Rose Ann pa rin mas kausap ko kasi nung panahong iyon siya pa rin ang espesyal sa akin.

Parang sa kantang Oks lang by Jroa, nung panahong iyong, yun lang lagi kong pinatutugtog, "Naiintindihan naman kita, alam kong sawa ka na, dun ka na sa masaya". Parang hinayaan ko nalang kung saan siya sasaya kahit masakit sakin. Wala, ganun talaga, kelangan magparaya, atleast kasama ko pa rin siya.

Praktis:

Kinabukasan, ganoon pa rin, sa bahay pa rin ang klase pero actually whole week ang klase sa online kaya sinulit ko nanaman ang pagkakataong kausap siya. Bigla namang nagchat sina Henz at ang ibang tropa na magkakaroon daw ng praktis para sa pending na assignment namin sa aming guro. Di ako sumang-ayon pagkat katwiran ko andaming ginagawa pero nagpumilit sima Henz, "Kung ito ang kakatwiran natin wala tayong matatapos." Kabilang rin si Rose Ann doon kaya't pumayag na rin ako't pumunta ng praktis. At nagpaalam na rin ako sa aking inay. Pumayag naman si nanay at wala akong nagawa dahil urgent ito.

Nagkita kami nina Henz at ng iba pa naming tropa sa isang court at naglakad ng kaunti papunta sa school kung saan doon magpapraktis. Nagkita kita kami ng mga alas dos o alas tres ng hapon at andoon na sina Rose Ann, Angela at may kasamang isang tisoy na lalaki. Nung chinat ako ni Rose Ann, sinabi niyang ito'y jowa ni Angela kaya't wala lang sa akin iyon. Sinigaw ko nang malakas, "Rose Ann!" At nagtinginan sila. Bago pa man makaabot sa destinasyon, ay bumili ako ng siomai para man lang ilibre siya.

Akala ko nga magiging masaya, pumorma pa ako, masasaktan pa ulit ako. Kasi pakiramdam ko nagsinungaling si Rose Ann sa akin dahil sa harap ko pa mismo nakita kong magkaholding hands sila ng lalaking iyon, James ang kanyang pangalan, si Angela nama'y nasa likuran ko habang sina Henz ang dalawa pang tropa ay nauna na at pinagtatawanan kami.

Pero di ko ito pinapansin kasi katwiran ko moving on na ako pero may impact pa rin sa akin ang nakita ko pero di lang ako nagpapansin. Actually, nagpakilala pa ako doon sa "jowa" ni Rose Ann. Natapos ang praktis bandang 4:50 ng hapon.

"Ano maalat ba?" Sabi nina Henz. Akala ko ang tinutukoy nila ay yung siomai, yun pala ako. Masakit grabe.

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon